Mga gamit na face mask, naispatang nire-recycle, pinaplantsa ng ilang kalalakihan sa Thailand

  • Naispatan ng mga awt0ridad ang ilang mga manggagawa na nilalabhan at pinaplantsa muli ang mga gamit na surgical mask sa isang bahay sa Thailand
  • Sa ulat ng Coconuts, sinabi umano ng isa sa mga tauhan doon na nasa 300 hanggang 400 na face mask ang kanilang nire-recycle kada araw
  • Kinilala naman ang may-ari ng bahay na Jintana Namwichai, 47, na kasalukuyang pinaghahanap ng lokal na pulisya

Sa patuloy na pagtaas ng demand sa face mask bilang pangontra sa dumaraming kas0 ng CoVid-19 sa buong mundo, naispatan naman ng mga awt0ridad ang isang grupo ng kalalakihan na nagre-recycle ng mga gamit nang surgical mask sa loob mismo ng isang bahay sa Thailand.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Sa isang ulat mula sa Coconuts, nakatanggap umano ng sumbong ang mga lokal na awt0ridad doon mula sa isang buyer na nakabili ng second-hand na face mask mula sa hindi pa natutukoy na dealer.

Nasa anim na kalalakihan ang natimbog ng lokal na pulis matapos nilang pasukin ang isang bahay na pinaghihinalaang pugad ng mga manggagawang nagbebenta ng gamit nang face mask.

Sa bahay na iyon na matatagpuan sa Saraburi province sa Thailand, tumambad sa pulisya ang libo-libong nire-recycle na surgical mask.

Ayon kay Col. Pairot Trisophon ng Viharn Daeng Police, inamin umano ng isa sa mga manggagawa doon na nasa 300 hanggang 400 na mask ang kanilang nire-recycle kada araw.

Nilalabhan nila ang mga gamit na face mask sa washing machine at saka pinaplantsa upang magmukhang bagong muli sa sahod na nagkakahalaga ng THB1 o katumbas ng P1.61 kada piraso.

Imahe mula kay zhizhou deng | Wikimedia Commons

Dinala naman ang mga nakulimbat na second-hand surgical mask sa local health department sa Thailand para sa masuri ang mga ito.

Kinilala ang may-ari ng bahay na Jintana Namwichai, 47-taong gulang, na siyang kasalukuyang pinaghahanap na ng mga awt0ridad.

Patuloy naman ang paalala ng World Health Organization (WHO) tungkol sa kahalagahan ng palagiang paghuhugas ng kamay para mapanatiling ligtas ang sarili sa anumang sakit.

Loading…