Mga health workers at frontliners, nagmukhang superheroes sa mga protective suits

  • Ibinahagi ng isang pilantropo ang ilang larawan ng mga natulungang frontliners na mistulang mga superheroes sa kanilang mga protective suits
  • Sa pamamagitan ng “The Bunny Projects” ng pilantropo, marami silang natulungang frontliners sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga PPE’s
  • Bumaha naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Kung may maituturing na superheroes na sumusugpo ngayon sa “kalabang hindi nakikita”, ito ay walang iba kundi ang mga frontliners na kinabibilangan ng mga health workers, pulis, sundalo, security guards, cleanliness and maintenance personnel at fast food chain crews. Nariyan din ang mga cashiers, baggers at staff ng grocery stores, bangko, at lahat ng mga nasa labas at nagtatrabaho upang maipagpatuloy pa rin kahit paano ang sirkulasyon ng pamumuhay sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Kaya naman, ibinahagi sa Facebook post ng netizen at philanthropist na si “Melissa Yeung Yap” ng “The Bunny Project ang kompilasyon niya ng mga larawan ng mga natulungan nilang frontliners na nagmukhang mga superheroes sa kanilang mga pinagkatuwaang posts, upang maibsan ang kanilang lungkot at pangamba at makapaghatid na rin ng good vibes para sa lahat.

Imahe mula sa Facebook account ni Melissa Yap

“Sharing here photos of more PPE deliveries done yesterday, and more fun photos of frontliner heroes having a bit of fun in their bunny suits!” ayon sa post ni Yap.

Makikita sa mga larawan ang mga frontliners na tila mga “Power Rangers” o mga “Ninja Warriors” na handang sumabak sa labanan para sa kaligtasan ng mga tao, na ang kalaban nila ay mga virus na mabilis kumalat at mamuksa ng mga mamamayan.

Nagpahatid naman ng papuri at pasasalamat ang mga netizens kay Yap at maging sa mga frontliners na napaabutan ng tulong ng “The Bunny Project”.

“So proud of what you are contributing to our health workers Melissa. God bless you and your family a hundred-fold!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “You’ve done more than enough, Mel! You get some rest, too. Thank you to you, your family, and the whole Katinko team.”

Samantala, may mensahe naman si Yap sa lahat ng mga frontliners:

“To all frontliners who might be reading this, THANK YOU! Please know that we love you with all our heart. Please stay strong and healthy. We can do this!”

Imahe mula sa Facebook account ni Melissa Yap

Kudos po sa lahat ng mga frontliner superheroes!

Loading…