Mga karaniwan at simpleng pagkain, maaaring “pasosyalin”

  • Ibinahagi sa isang Facebook page kung paano magiging mukhang mamahalin at sosyal ang mga goods na nasa bahay
  • Ginawang tila mamahalin ang instant pancit canton, omellette, sardinas, at tuyo
  • Sabi nga, nasa pagiging malikhain lamang iyan

Sadyang mahilig kumain ang mga Pilipino. Ang iba, kahit medyo mamahalin ang presyo, talagang dinarayo at pinapatos pa rin. May iba rin namang kontento na sa mga fast food chains, o kaya naman mga street food na “swakto” sa budget.

Ngunit kung wala talagang budget sa pagbili ng pagkain sa labas lalo na sa mga mamahaling restaurants, maaari pa ring ma–achieve ang pagiging classy at sosyal sa pagiging malikhain. Maaaring pasosyalin ang mga stocks na pagkain tulad ng instant pancit canton at mga delata, gaya ng makikita sa Facebook page na “Eat All You Can”, na nagmula naman sa mga netizens.

Imahe mula sa Facebook page na Eat All You Can

Ayon nga sa caption, “Wala pang sahod pero sosyal ka pa rin”. Makikita sa mga larawan na ang pancit canton, omelette, sardinas, at tuyo ay maaaring magmukhang sosyal kung lalagyan at aayusin lamang ang plating at presentation dito, na maaaring itapat sa isang five–star restaurant.

Namangha naman ang mga netizens sa mga larawan at hindi nila napigilang magkomento hinggil dito.

Sabi ng isa, “Nakakaamaze naman! Mataba ang utak ng nakaisip niya. Pwede nga namang magkaroon ng kulay ang mga pagkaing instant na matatagpuan sa loob ng bahay. Nasa creative minds lang talaga kung paano gagawin.”

“This is some high quality food. Never underestimate this. Malay natin, baka may ma–inspire na gumawa o magtayo ng restaurant o business na ganito ang theme. Kung may capital lang ako, ganiyan ang gagawin ko. Ang cute and unique hindi ba?” naisip naman ng isa na mukhang business–minded.

“These photos don’t look trying hard.. mukang legit na fine dine. Ang galing! Nakakabilib ang nakaisip nito. Nakakagana kumain kahit ordinary lang ang pagkain, nice presentation,” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Eat All You Can

Napakahusay hindi ba? Kahit walang pera, mukhang mamahalin pa rin ang iyong kakainin.

Loading…