Mga lolang nagsilbing flower girls sa kasal, kinagiliwan

Imahe mula sa Facebook | Studio Eight
  • Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang kasalan kung saan dalawang lola ang nagsilbing flower girls
  • Nais daw kasing maging bahagi ng entourage ng mga lola ng groom na may edad na 83 at 86 ngunit hindi na sila maaaring maging ninang
  • Ikinatuwa ng netizens ang kakaibang pakulong ito at sinabing mapalad ang bagong kasal dahil naabutan ng mga lola ang kanilang pag-iisang dibdib

Naging mas espesyal at hindi malilimutan ang isang kasalan sa Aklan matapos na magsilbing flower girls ang mga lola ng groom.

Imahe mula sa Facebook | Studio Eight

Suot ang matching infinity dress, kitang kita sa dalawang lola ang malalaking ngiti habang may  hawak na bouquet at banner na may nakasulat na “Here comes our Apo.”

Ikinatuwa ng netizens ang tagpong ito na ibinahagi ng Studio Eight Photography sa State of the Nation with Jessica Soho. Ayon sa ulat, nais maging parte ng entourage ng maghipag na may edad 83 at 86 ngunit hindi na sila puwedeng maging ninang kaya naman inatasan na lamang silang maging flower girls.

Maging ang mga netizen na nakakita sa larawan ng mga lola ay hindi maiwasang ma-touch dito.

Imahe mula sa Facebook | Studio Eight

Sabi ng isang nagkomento, mapalad ang bagong kasal dahil inabutan ng kanilang mga lola ang kanilang pag-iisang dibdib. “Masuwerte kayo inabot pa ng mga lola ninyo ang kasal ninyo. Ang hahaba ng mga buhay nila. Long live po mga lola. God bless pati na sa ikinasal,” komento niya.

Sabi naman ni Jassy M., nakatutuwa raw na nabigyan pa ng pagkakataon ang mga lola na maging flower girls.

Nagpasalamat naman ang groom na si Herbert Saladar sa umaapaw na pagmamahal na natatanggap ng kanilang mga lola. “Seeing our lolas happy and walk with us on the aisle is priceless. Thank you for the overwhelming love and joy, from me and my wife,” aniya sa caption nang ibahagi niya ang ulat.

Tara nang silipin ang mga cute na flower girls sa video na ibinahagi ng 24-Oras!

Loading…