Mga pasaway sa quarantine rules, pinag-exercise at pinag-community service sa Pampanga

  • Ilang mga residente ang nahuling sumusuway sa curfew at quarantine rules sa Pampanga
  • Pinarusahan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-e-exercise at paggawa ng community service sa lugar
  • Patuloy naman ang paalala ng national government hinggil sa kahalagahan ng pagsunod sa quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng C0VID-19

Ilang mga residente sa Pampanga ang dinampot matapos silang maaktuhan na sumusuway sa implementasyon ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Imahe mula sa Facebook video ng ABS-CBN News

Sa video na ibinahagi ng ABS-CBN News sa Facebook noong March 26, makikita ang apat na kalalakihan na maririing nakikinig sa sinasabi ng isa sa mga miyembro ng militar.

Ipinapakita kasi ng sundalo sa mga oras na iyon ang magiging kaparusahan ng mga lumabag sa curfew, quarantine rules, at liquor ban sa lugar.

Mapapanood sa video ang paghawak ng mga lalaki sa kani-kanilang ulo at sabay-sabay nilang pagtalon habang nakaupo.

Ayon pa sa post, 50 squats, low at high jump, at community service ang ipinataw na parusa sa apat na residente na nasa video.

Patuloy ang paalala ng national government hinggil sa kahalagahan ng pagsunod sa itinakdang quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng C0VID-19 sa bansa.

Matatandaang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Dutero ang buong Luzon sa enhanced community quarantine simula noong March 17.

Sa direktibang nakasaad sa ilalim ng enhanced community quarantine, wala munang pasok sa mga paaralan sa lahat ng antas hanggang April 14.

PANOORIN: Parusa sa mga lumabag sa home quarantine sa Pampanga

TINGNAN: 50 squats, low at high jump, at community service ang ipinataw na parusa sa mga lumabag sa home quarantine, curfew, at liquor ban sa Pampanga. #LuzonLockdown #COVID19 | via Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted by ABS-CBN News on Thursday, March 26, 2020

Nakasaad rin dito ang pagbabawal sa mass gatherings, pag-operate ng mass public transport facilities, at mga limitasyon sa land, air, at sea travel sa Luzon.

Ang mga residente ay pinapayuhang manatili lamang sa bahay at maaari lamang lumabas kung bibili ng pagkain at iba pang kinakailangan gamit para sa pang-araw-araw.

Loading…