Mga pasyalan sa Benguet, Ilocos Norte at Quezon patok sa papalapit na summer vacation

  • Mga lugar na masayang pasyalan para sa darating na tag-init
  • Kakaibang summer adventure ang hatid ng Bayokbok Falls na matatagpuan sa Tublay, Benguet
  • Isang ilog sa Batac City sa Ilocos Norte ang ginawang atraksyon kung saan maaaring mag-pedal boating at kayaking
  • Preskong hangin at malamig sa matang tanawin ang hatid ng isang flower farm sa Candelaria, Quezon

Ramdam na ang init ng panahon sa pagpasok ng buwan ng Marso at nalalapit na rin ang summer vacation ng mga paaralan kaya marami na ang gumagawa ng plano kung paano masusulit ang bakasyon sa paparating na tag-init.

Imahe mula sa Nikkei Asian Review

Karaniwan nang sa mga beaches sa iba’t ibang lugar sa bansa ang tungo ng mga bakasyonista. Marami rin ang nagpapalipas na lang ng tag-init sa mga airconditioned shopping malls sa mga siyudad.

Sa Benguet, isang kakaibang summer adventure ang hatid ng isang talon doon- ang Bayokbok Falls na matatagpuan sa Sitio Sayangan, Barangay Tuel sa bayan ng Tublay.

Exciting daw ang pagpunta sa falls na ito dahil isa at kalahating oras ang gugululin sa trekking at river crossing bago ito marating. Sulit naman ang pagod dahil napakaganda ng lugar at nakapasarap magtampisaw sa malinis nitong tubig.

Maaari pang mangisda at mag-picnic sa lugar.

Imahe mula sa Astig ng Cordillera

Isang ilog naman sa Barangay Quiling sa Batac, Ilocos Norte ang ginawang summer attraction kung saan maaring mag-pedal boating at kayaking ang mga turista. Plano ring maglagay sa lugar ng bike lanes, mga stalls para sa sari-saring paninda at playplace.

Sinabi ni Batac City Mayor Albert Chua sinisiguro nila ang kaligtasan ng mga taong nagpupunta sa ilog upang mamasyal.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Patok namang pasyalan sa Candelaria, Quezon ang isang flower farm – ang Girasole’s Farm – kung saan matatagpuan ang nasa 30 species at 100 variety ng mga bulaklak. Sa murang entrance fee, sobrang kasiyahan ang pangakong hatid nito sa mga bumibisita roon.

Bukod sa naggagandahang mga bulaklak,  preskong hangin at quality time kasama ang pamilya at mga kaibigan ang ma-eenjoy sa farm.

Imahe mula sa Girasole’s Farm
Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…