Mga pasyenteng may mild case ng COVID-19 pauuwiin upang ‘di mapuno ang hospital facilities – DOH

  • Hindi na iko-confine sa government hospitals ang mga pasyenteng may mild case ng COVID-19
  • Tanging ang mga pasyenteng may severe symptoms na lang ang iko-confine sa mga ospital
  • Ito ay dahil sa kakulangan ng pasilidad na maaring gamitin para sa lahat ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19

Dahil sa kakulangan ng pasilidad na maaring gamitin para sa lahat ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19, nagpasya ang Department of Health (DOH) na ang mga may mild case ng sakit ay pauuwiin upang sa bahay na lang i-quarantine.

Imahe mula sa DOH

Tanging ang mga pasyenteng may severe symptoms na lang ang iko-confine sa mga ospital.

“Para lang malinaw sa lahat. Ngayong nandito na tayo sa estado na ganitong meron na tayong nakikitang localized transmission, ‘yun pong ating strategy for quarantine of persons is we are now transitioning to having home quarantine sa mga indibidwal, especially for those with mild cases para hindi napupuno ang ating hospital facilities,” pahayag ni DOH Assistant Secretary Maria Rosario Vergiere.

Aniya, hindi na gaanong gagamitin ang pasilidad ng New Clark City na ginamit bilang quarantine site para sa mga Pinoy repatriates mula sa China at Macau.

“Because our strategy is being redirected to this early detection, isolation and management of cases,” sabi pa niya.

Ibinahagi pa ni Asec. Vergeire na sa ngayon ay mayroon pang sapat na mga kama at isolation rooms sa mga government hospitals.

Imahe mula kay Doc Willie Ong

“We’ve planned and prepared our hospitals, especially our government hospitals, for these isolation rooms, in case our surge capacity ay maabot. For now, it is enough. We’ll see in the coming days how we can address the need,” aniya.

Nilinaw rin ng DOH official na sa ngayon ay wala pang anumang plano na magpatupad ng lockdown.

“Right now we are still in Sub-level 1. We are not yet at the state that necessitates a lockdown. Only a sustained community transmission will result in the raising of the Code Red to Sub-level 2,” paliwanag niya.

Imahe mula sa UNTV
Source :

Sunstar, ABS-CBN

Loading…