Mga sinabi ni Pastor Quiboloy kay Vice Ganda na matitigil ang “Ang Probinsyano” at trapik sa EDSA, nagkatotoo?

  • Nagkatotoo nga ba ang mga sinabi ni Pastor Quiboloy kay Vice Ganda apat na buwan na ang nakalilipas?
  • Hinamon ni Vice Ganda na pahintuin ni Pastor Quiboloy ang “Ang Probinsyano” at traffic sa EDSA noong November 2019
  • Suspendido ang mga teleserye ng ABS-CBN kabilang ang “Ang Probinsyano” dahil sa COVID-19
  • Walang trapik sa EDSA sa unang araw ng community quarantine sa Metro Manila

Nagkatotoo nga ba ang mga salitang binitiwan noon si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name sa actor-TV host na si Vice Ganda tungkol sa pagpapahinto ng napakahabang teleseryeng Probinsyano at ng trapiko sa EDSA?

Imahe mula sa Facebook account ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Naging kontrobersyal noon ang pahayag ng pastor na napahinto raw niya ang malakas na lindol noong nakaraang taon. Naging tampulan siya ng mga panlilibak dahil sa tinuran.

Si Vice Ganda ay naglakas-loob pang hamunin si Pastor Quiboloy na pahintuin ang pag-ere sa telebisyon ng “Ang Probinsyano” teleserye ni Coco Martin na maglilimang taon nang napapanood mula nang simulan iyon noong September 28, 2015.

Sinabi pa noon ni Vice Ganda na napakayabang ni Pastor Quiboloy.

“Naku kabahan si Cardo. Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. ‘Yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano. Abangan n’yo ‘yan,” sabi ni Vice Ganda.

“So, ano Quiboloy, hinahamon kita. Ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, eh. Napakayabang n’yo pala,” sabi pa ng komedyante na hinamon pa ang pastor na ihinto ang EDSA traffic.

Imahe mula sa Instagram account ni Vice Ganda

Tinanggap naman ng Pastor ang hamon ni Vice Ganda nang makarating iyon sa kanyang kaalaman.

“Kailan mo gustong mapa-stop ang Ang Probinsyano? Ikaw, pumili ka, kelan mo gustong ma-stop? Isang buwan, Dalawang buwan, Tatlong buwan, Apat na buwan? Ikaw, pili ka,” balik na hamon ng pastor.

“Baka sa apat na buwan, hindi lang ‘yung Probinsyano ang ma-stop, baka pati ‘yung network ma-stop na ‘yan,” sabi pa ni Pastor Quiboloy kay Vice Ganda.

Naganap ang paghahamunan ng dalawa noong Nobyembre ng nakaranaang taon o apat na buwan na ang nakalilipas.

Dahil sa COVID-19 pandemic ay nagpatupad ng community quarantine sa buong Metro Manila upang makontrol ang lalo pang paglaganap ng COVID-19 sa bansa. Kaugnay nito ay nagsuspinde ang ABS-CBN ng teleserye production. Kabilang ang “Ang Probinsyano” sa mga teleseryeng pansamantalang itinigil.

Imahe mula sa ABS-CBN

Sa unang araw ng implementasyon ng community quarantine, ang EDSA ay nagmistulang isang disyerto sa luwag dahil nawala ang libo-libong sasakyan na nagpapasikip ng trapiko doon.

Ano sa tingin n’yo? Nagkatotoo nga ba ang mga sinabi noon ng pastor sa sikat na komedyante?

Screenshot mula sa video ng Manila Bulletin

Loading…