Mga staff ng Laguna Doctors Hospital, nagdiwang matapos magnegatibo sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Vincent Lo
  • Masayang-masaya ang mga staff ng Laguna Doctors H0spital matapos nilang malaman na negatibo sila sa COVID-19
  • Nagkaroon sila ng pasyenteng positibo rito kaya naman isinailalim din sila sa quarantine
  • Pagsisiguro nila, sinusunod nila ang mga protocol na ibinaba ng Department of Health kagaya ng disinfection at decontamination

Nagdiwang ang mga staff ng isang 0spital sa Laguna matapos nilang malaman na negatibo sila sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Laguna Doctors Hospital

Sa video na ibinahagi ng isa sa mga healthcare workers ng Laguna Doctors Hospital na si Vincent Lo, kitang kita ang kasiyahan sa mga staff na naghihiyawan at nagpapalakpakan dahil sa natanggap na magandang balita mula sa RITM.

Isinailalim sila sa quarantine matapos na magkaroon ng pasyente na positibo sa virus.

“Thank you, Lord. Walang nahawa sa amin sa COVID-19 at negative lahat ng resulta! Alam naming magiging negative din yung naging pasyente namin sa 2nd test! Tuloy ang laban. Walang aatras,” sabi ni Lo sa kaniyang post na may 3k shares na.

Sa post ng Laguna Doctors Hospital sa kanilang Facebook page, sinabi nilang patuloy nilang sinusunod ang mga protocol ng Department of Health kagaya ng disinfection at dec0ntamination.

Anila, nagsisilbing tuluyan ang kanilang pasilidad para ng mga empleyado na hindi PUI pero nakararanas ng diskriminasyon.

Imahe mula sa Facebook | Vincent Lo

“Lahat ng empleyado ay marunong ng tamang pag-iingat laban sa virus na ito… Sa mga mamamayan, ipinapakiusap namin na sana suportahan ang mga health care workers upang ligtas silang makapaglingkod sa pamayanan,” anila.

Sa ngayon daw ay bukas ang kanilang Emergency Room para sa konsultasyon, habang ang dialysis clinic naman ay mananatili ring bukas ngunit dadaan sa masusing screening ang mga regular na pasyente bago payagang makapasok.

“Mula sa amin sa LDH, kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa amin at naniniwala sa aming kakayahan. Marami pong salamat sa inyo,” anila.

Loading…