Mika Dela Cruz, namahagi ng face shields para sa frontliners

Imahe mula sa Instagram | Mika Dela Cruz
  • Namigay ang Kapus0 actress na si Mika Dela Cruz ng face shields sa mga frontliners
  • Naantig siya sa mga nagtitinda sa palengke na pawang mga may edad na ngunit walang kahit anong proteksyon na suot
  • Hinikayat niya rin ang ilang netizens na tulungan, intindihin, at ipagdasal ang mga frontliner

Namahagi ng face shields ang Kapuso actress na si Mika Dela Cruz sa mga frontliner na patuloy na pumapasok sa kanilang trabaho habang ang lahat ay pinakikiusapan na manatili sa loob ng kanilang tahanan.

Imahe mula sa Instagram | Mika Dela Cruz

Ilan sa mga natulungan ng aktres ay ang mga nagtitinda sa isang palengke sa Malabon. Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Mika na napansin niyang karamihan sa mga naroon ay may edad na ngunit walang suot na kahit anong proteksyon.

“Ni face mask, ni gloves, wala po talaga sila. Talagang sa resistensiya na lang nila sila nagre-rely na huwag sanang ma-infect. Parang imposible rin sa kanila ang social distancing sa dami ng tao sa palengke,” aniya.

Malaki ang pasasalamat niya sa mga manggagawang ito dahil kung hindi dahil sa kanila ay marami ang magugutom. Ilan pa sa mga naabutan niya ng face shields ay ang mga pulis, security guard, fastfood restaurant crew, pharmacists, at medical workers.

Sabi ni Mika, nakatataba ng pus0 malaman na nakatutulong siya upang maprotektahan ang mga frontliner mula sa COVID-19.

“Nakakataba ng pus0 na kahit sa maliit na paraan naproteksyunan ko sila. These are face shields po for protection ng ating amazing and selfless frontliners na araw araw nakikipagsapalaran para sa atin,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Mika Dela Cruz

Hinikayat niya rin ang mga netizen na tumulong para sa mga frontliner sa pamamagitan ng pagdodonate sa mga fundraising. Aniya, hindi naman daw kailangan ng malaking halaga upang makatulong. “‘Wag kayong malula or matakot. Any amount will help naman po. Kahit P20 or P50 man ‘yan, may matutulungan ho kayo,” paliwanag niya.

Dagdag niya, bukod dito ay maaari rin silang gumawa ng DIY face shield o di kaya naman ay magluto para sa mga frontliner.

“Kung talagang wala rin pong maibibigay,’wag po mag-alala dahil kahit pag-spread ng awareness, kahit words of encouragement sa mga taong hindi maganda ang kalagayan at natatakot ngayon, at pag-intindi at pagdarasal para sa ating frontliners…may nagawa na po tayo,” aniya.

Loading…