Misis ibinida ang mister na tumutulong sa gawaing bahay, nag-aalaga ng anak pagkagaling sa trabaho

  • Isang appreciation post ang ibinahagi ni Kim Santiana Bautista sa social media para sa kaniyang asawa na sobra kung mag-alaga
  • Ibinida nito ang kaniyang asawa na kusang tumutulong sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng kanilang anak kahit galing rin ito ng trabaho
  • Labis rin ang pasasalamat ng misis sa kaniyang mister dahil sa mga sakripisyo nito sa kanilang pamilya

Ibinida ng isang netizen ang kaniyang asawa dahil sa patuloy nitong pagiging maasikaso at maalaga sa kanilang pamilya.

Image via Pixabay

Sa Facebook post ng netizen na kinilalang si Kim Santiana Bautista noong March 5, ipinahayag nito ang kaniyang pasasalamat para sa mister na si Gideon Bautista.

“Nothing really special today but I just want to thank you daddy for everything you do,” ani Kim sa unang bahagi ng post.

Ibinahagi nito ang kanilang simpleng kumustahan tungkol sa kanilang buhay bilang mag-asawa. Nagsilbing daan ang kanilang pag-uusap upang makapagbalik-tanaw siya tungkol sa mga sakripisyo ng kaniyang mister para sa kanilang mag-anak.

“Kapag umuuwi siya, automatic na niya kukunin si Llandra. Lagi niya ako sinasalo. Siya na ang mag-aalaga. At kung may maitutulong sa bahay, lalo na sa pagsampay ng damit at pagtatapon ng basura, assignment niya na ‘yun di na naghihintay ng utos,” sabi nito.

“Sa pagbubuhat ng mga dala, kahit pwede naman na magtulong kami, mas gusto niya na wala akong bitbit, kahit pa mahirapan siya magdala ng gamit,” dagdag nito.

Ayon kay Kim, laging nagkukusang tumulong sa gawaing-bahay at nag-aalaga ng kanilang anak ang kaniyang mister na si Gideon kahit pa galing rin ito sa trabaho.

Ipinahayag rin ni Kim ang kaniyang pagpapahalaga sa mga ginagawa ng kaniyang asawa bilang haligi ng kanilang munting pamilya.

“Sobrang thankful lang ako at walang halong pagsisisi na ikaw pinili kong mapangasawa. Sana dad ‘wag ka magbago. Kahit gaano kasimple pamumuhay natin basta magkakasama tayo palagi,” sabi pa nito sa post.

Source :

Facebook

Loading…