Miss mo na fast food? Ready-to-cook products mula sa Jollibee, Mang Inasal, at Chowking, ibinebenta

  • Ipinagbibili ng fast food giants na Jollibee, Chowking, at Mang Inasal ang ilang ready-to-cook food nila 
  • Maramihan ang pagtitinda ng mga fast food sa kanilang signature dishes dahil maraming customers ang hindi makalabas dahil sa ECQ
  • Marami na ring netizens ang nakabili ng mga ito sa iba’t ibang branches ng fast food resto sa buong bansa

Marami sa atin ay miss na ang pamumuhay bago ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ). Kabilang dito ay ang pagkain sa ating paboritong kainan lalo na ang mga restaurants at fast food lalo na ngayong puro instant at canned food ang naihahanda ng karamihan dahil ito lang ang stock ng pagkain sa maraming tahanan.

Kaya naman isang magandang balita ang dumating nang mapagpasiyahan ng mga fast food restaurants na Jollibee, Mang Inasal, at Chowking na magbenta ng ready-to-cook meals nila. Sa ganitong paraan ay mapauubos nila ang kanilang stocks, at maraming customers nila ang mae-enjoy pa rin ang fast food favorites kahit sa panahon ng ECQ.

Larawan mula sa Facebook page na Whatever

Isa sa mga unang nag-post sa social media ang Facebook page na Whatever kung saan ipinakikita nila ang ready-to-cook menu ng tatlong fast food chains. Limited time offer ang mga ito o hanggang may supply pa ang branch na bibilhan mo.

Sa Jollibee menu, ibinebenta nila ang kanilang signature chickenjoy at spicy chicken joy sa halagang P219 per 8 pieces pack. Kasama rin sa kanilang menu ang breakfast favorites na beef tapa, beef longganisa, at bacon. Nagtitinda rin sila ng kanilang iba pang kilalang pagkain tulad ng tuna pie, buko pie, at fries.

Per kilo naman ang bentahan ng Mang Inasal sa iba’t ibang chicken parts na karaniwan nilang iniihaw sa kanilang branches. Nasa halos P300 ang bentahan sa paa at spicy paa kung saan kilala ang Mang Inasal. P329 naman ang benta nila sa higit isang kilo ng pecho habang ang dalawang kilo ng sulit-chicken ay nasa P365. Kasama rin sa binebenta nila ang bangus sisig, pork barbecue, at ang chorizo.

Pinakamarami namang ipinagbibili ang Chowking katulad ng marinated chicken, beef tapa, halo-halo mixes, lumpiang shanghai, siomai, siopao, dumplings, at ang famous buchi nila.

Larawan mula sa Facebook page na Whatever

May ilang netizens nang nagpatunay na nakabili sila ng ready-to-cook fast food delights. Ibinida ni Maffi Anne Ferrer- Patricio sa kanyang tweet ang nabili nilang tuna pie at hotdog. Pahayag pa ni Maffi, any branch naman daw ay may tinda hangga’t may stock pa.

Maraming netizens naman na gustong matikman ang fast food favorites nila at masubukang sila naman ang maghanda at magluto ng mga ito.

Source :

Facebook, Twitter

Loading…