Miss Universe PH coronation, ipagpapaliban sa gitna ng COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Miss Universe Philippines
  • Ipinagpaliban ng Miss Universe Philippines ang nakatakdang coronation night
  • Kinansela na rin nila ang mga nakatakdang aktibidad ng mga kandidata bilang pag-iingat sa kanila, sa kanilang mga taga-suporta, at sa kanilang production team
  • Ang apat na Miss Universe crown na napanalunan ng bansa ay patunay raw sa kakayanan ng mga Pilipino na magkaisa at magtulungan

Bilang pag-iingat sa COVID-19 ay ipagpapaliban muna ng Miss Universe Philippines (MUPh) ang kanilang coronation night at kinansela na rin ang mga nakatakdang aktibidad.

Imahe mula sa Facebook | Miss Universe Philippines

Sa isang pahayag na ibinahagi ng MUPh sa Facebook, sinabi nilang sa halip na sa May 3 ay gaganapin na ang finals night sa June 14. “Miss Universe Philippines (MUPh) is taking a graceful pause to stand with the Filipino people in its fight against COVID-19,” sabi nila.

Para sa kaligtasan ng kanilang mga kandidata, taga-suporta, at production team ay napagdesisyunan din nilang itigil muna ang mga nakatakdang aktibidad. Ito rin daw ay dahil sa community quarantine na ipinatutupad sa Metro Manila.

Hinikayat din nila ang mga taga-suporta na manatiling ligtas at alerto sa gitna ng kinakaharap na pagsubok sa kalusugan.

Imahe mula sa Facebook | Miss Universe Philippines

Dagdag pa nila, ang apat na Miss Universe crown na napanalunan ng Pilipinas ay patunay lamang sa kakayanan ng mga Pilipino na magkaisa at magtulungan.

“The Philippine’s four Miss Universe crowns are a testament to the country’s ability to come together as a people and support an important cause,” anila. “The fight against COVID-19 is no different.”

Patuloy rin daw silang magbabahagi ng tourism videos ng kanilang mga kandidata nang sa gayon ay maalala ng mga Pilipino ang kagandahan ng bansa sa gitna ng kinahaharap nitong COVID-19.

“In the meantime, we will continue to post online tourism videos of the contestants so that amidst this challenge, we still can be reminded of the beauty of the Philippines worthy to be celebrated beyond our coastlines,” pagtatapos nila.

Loading…