Mocha Uson, muling pinag-usapan dahil sa ‘paglipat’ ng La Trinidad sa Baguio City

Imahe mula sa video ng Malacanang Events via Facebook
  • Pinag-uusapan muli sa social media si Mocha Uson dahil “inilipat” niya ang La Trinidad mula Benguet patungong Baguio City
  • Nagbahagi ng video si Uson kung saan ikinukuwento niya kung nasaan siya at dito niya sinabing nasa La Trinidad, Baguio City siya
  • Taong 2018 nang sabihin naman ni Mocha na nasa Naga ang Bulkang Mayon na matatagpuan sa Albay

Muli na namang pinag-usapan si OWWA Deputy Executive Director Mocha Uson dahil “inilipat” niya ang La Trinidad mula sa Benguet patungo sa Baguio City.

Imahe mula sa Instagram | Mocha Uson

Sa video clip na ibinahagi ng satire page na Malacanang  Events and Catering Services sa Facebook, maririnig si Uson na ibinabahagi kung nasaan siya. “Nandito po tayo sa La Trinidad, Baguio City,” sabi ni Mocha.

Dito lamang niya tinanong ang kasama kung ang La Trinidad ay bahagi pa rin ng Baguio. “Ang La Trinidad, Baguio pa rin, ‘di ba?” tanong ni Mocha. “Iba po,” tugon sa kaniya ng babae. “Ah, iba,” aniya.

Sa kasalukuyan ay may 16k reactions at 9.7k shares na ang post na ito. Inulan din ito ng mga komento mula sa mga netizens na hindi nakalimot sa unang pagkakamali ni Uson sa geography.

“The only human who can relocate places in an instant. Kudos!,” sabi ni Kevin H.

Imahe mula sa Instagram | Mocha Uson

Si Peregrine E., binansagan naman na ‘The Mapmaker’ si Uson. “Mocha ‘The Mapmaker’ Uson has moved La Trinidad from Benguet to ‘Baguiooos,'” sabi niya. Si E. Sandoval, tinawag naman na “The Undisputed Queen of Philippine Geography si Mocha.”

Taong 2018 nang pag-usapan din si Uson dahil “inilipat” niya ang Bulkang Mayon sa Naga mula sa Albay.

“Ginagamit po ng ilang mga tao ang isyu na ‘to, itong isyu sa award, para pagtakpan ‘yung isyu ng Dengvaxia, isyu ng pagtanggap diumano ni Senator Drilon ng pera kay Napoles, at ang pinakamahalaga pa, ‘yang nangyayari sa Naga, ‘yang pag-aalburuto ng Mayon Volcano,” sabi ni Uson noon sa gitna ng kontrobersiya tungkol as pagtanggap niya ng award mula sa UST Alumni Association.

Napansin ng netizens na burado na ang ang bagong video ni Uson.

Loading…