Motorista, ginawang face mask ang “sanitary napkin”

  • Isang delivery truck driver ang gumamit ng sanitary napkin bilang pamalit sa face mask
  • Wala na raw kasi siyang mabilhan nito kaya minabuti niyang gumamit ng alternatibo
  • Ginagamit ang sanitary napkin ng mga babae kapag may “buwanang dalaw”

Simula nang pumutok ang Bulkang Taal sa Batangas noong Enero hanggang sa pagpasok at paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 o COVID–19, naging mataas ang demand sa lahat ng uri ng face mask na dating hindi pinapansin, o ginagamit lamang ng mga health workers o pasyente sa hospital. Kumbaga, “nauso” dahil kailangan.

Kaya naman, “benta” sa mga netizens ang isang lalaking nagngangalang “Arnel Losada”, isang delivery truck driver, matapos niyang gamitin bilang face mask ang “sanitary napkin” o pasador, na itinuturing na “girl thing”. Hindi umano niya ikinahiya ito sapagkat mas nanaig sa kaniya ang pagnanais na magkaroon ng proteksyon sa kalusugan.

Imahe mula sa Facebook page ng ABS CBN News

Batay sa video ng panayam  na mapapanood sa Facebook page ng ABS–CBN News, wala na umanong mabiling face mask si Arnel, kaya minabuti niyang gawing alternatibong panakip sa mukha ang sanitary napkin, kahit na magmukha siyang katawa–tawa sa paningin ng lahat. Nilagyan niya ito ng dalawang tali sa magkabilang dulo upang maikabit sa kaniyang mukha.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens. Lumitaw tuloy ang isyu ng panic buying at hoarding na naging suliranin ng iba’t ibang supermarkets at grocery stores.

Pagtatanggol ng isa, “May anti bacterial properties and negative ions ang mga pantyliner and sanitary napkin, so anong nakakatawa?”

“To all the people who hoard all the alcohol and mask, and selling it to unreasonable prices, taking advantage of the crisis… I’ll hope you’re all happy, with a peaceful mind and soul. That you’re all safe,” pangongonsensya naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Hindi po iyan funny para sa akin. Saludo po ako sa mga kagaya ni Kuya. Iyan dapat ang tularan na magkaroon ng initiative ang mga tao in times like this. Improvised mask.”

Ipinapaalala naman na hangga’t maaari, gamitin lamang ang mga bagay na talagang laan para dito. Kung naubusan ng surgical mask o N95 mask, maaari ding gamitin ang mga cloth masks basta’t regular lamang itong papalitan at lalabhan.

Public Domain Image

Loading…