Nagre-repack ng relief goods, nakapatong ang paa sa mismong bigas; netizens umalma

  • Trending ngayon sa social media ang isang babae dahil sa kadugyutan nito sa pagre-repack ng relief goods
  • Kita kasi sa larawan na nakapatong ang mga paa niya sa bigas na nakalatag sa sahig
  • Sinasabing sa Caloocan City daw naganap ang may kadugyutang repacking na ito

Trabaho ng mga opisyal natin ang bigyan tayo ng ayuda sa panahong umiiral ng enhanced community quarantine (ECQ). Dahil maraming Pilipino ang hindi nakapagtatrabaho, umaasa ang marami sa mga relief goods na handog ng mga nasa pamahalaan.

Dahil utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino, sumunod naman ang mga local government officials dito. Marami na ang humahanga sa mga opisyal na walang patid ang pag-aabot ng tulong sa mga pamilyang walang pinagkakakitaan ngayon.

Larawan mula sa Facebook post ni Mya PD

Ngunit marami rin ang binabato na ng mga batikos dahil sa hindi pagkilos at maling pamamaraan ng ilan sa paghahanda at pamamahagi ng tulong. Isa na rito ay ang kumakalat na larawan ng isang staff ni Caloocan City Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan na tila ‘dugy0t’ daw sa pagre-repack ng relief goods.

Nire-upload ng netizen na si Mya PD ang isang larawan ng staff ni Mayor na abala naman sa pagre-repack ng relief goods partikular ng bigas. Pero tila pangingilagan ngayon ng mga makakatanggap ang bigas dahil nababaran na ito ng paa ng isang staff.

Kitang-kita sa larawan na nakalatag lamang sa sahig ang maraming bigas at nakahilata ang babae sa tabi nito. Kapansin-pansin din ang dalawang paa ng babae na nakababad sa bigas at masayang-masaya pang kumukuha ng selfie.

Sabi tuloy ni Mya sa kanyang post, ayos na raw sila sa delatang matatanggap mula sa Caloocan City Hall pero huwag na lang daw silang bibigyan ng bigas. Hindi naman daw sila choosy pero dahil sa larawan kung saan naapakan na ang bigas, magtitiis na lang daw sila ng kalam ng sikmura kaysa kainin ang bigas na ito.

Larawan mula sa PNA

“We appreciate the hard work and sacrifices of our LGUs but sana huwag naman pong salaula. Observe proper way of repacking of relief goods. Tao po ang kakanin niyan hindi hayop,” sabi ni Mya sa kanyang viral post na mayroon nang 6,800 reactions at 10,000 shares.

Maraming netizens din ang kinundina ang kadugyutan ng staff na ito mula sa Caloocan City. Sabi nila, kahit daw tulong ang mga relief goods na ito, dapat daw ay panatilihin ang kalinisan nito upang hindi mag-ugat sa panibagong suliranin.

Loading…