Nanay Rosario humiling ng ‘make up transformation a la Vice Ganda’

Imahe mula sa video ni Vice Ganda via YouTube
  • Ibinahagi ni Vice Ganda ang kaniyang vlog kasama ang inang si Mommy Rosario
  • Hiniling ng kaniyang ina na maranasan ang make up transformation a la Vice Ganda
  • Pinagbigyan naman ito ng It’s Showtime host at pinagsuot pa ang ina ng wig at OOTD na kagaya ng sa kaniya

Napuno ng tawanan ang make up transformation na ginawa ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa kaniyang inang si Rosario Viceral.

Imahe mula sa video ni Vice Ganda via YouTube

Sa vlog na ibinahagi niya sa kaniyang YouTube channel, hiniling ng kaniyang ina na maranasan ang isang’ make over a la Vice Ganda’. “How to be you po?” tanong ni Nanay Rosario sa anak.

Bago pagbigyan ang kahilingan ay tinanong ni Vice kung ano ang tatlong dahilan kung bakit nais ni Nanay Rosario na magpa-make up.

“Para ma-experience kong maging maganda,” sagot ng ina. Nang tanungin kung kailan niya huling naranasang maging maganda, sinabi nitong noong debut pa niya.

Nais din daw niyang maranasan ang iba’t ibang kulay ng buhok ng anak.

“Gusto kong ma-experience ‘yung iba’t ibang kulay ng buhok mo kung babagay sa akin,” aniya. Ang ikatlong dahilan na ibinigay ni Nanay Rosario ay nais daw niyang maranasang gamitin ang Vice Cosmetics; ang make up line ng anak.

Walang dull moment nang simulan ng dalawa ang make up transformation dahil palaging binibiro ni Vice ang ina.

Imahe mula sa video ni Vice Ganda via YouTube

Nang makumpleto ang make up ay binihisan din ni Vice ang ina ng damit na mala-“hypebeast” na madalas din niyang OOTD.

Upang kompletuhin ang look ni Nanay Rosario ay sinuotan siya ni Vice Ganda ng wig na kagaya ng sa kaniya. “Ito na ang defining moment. ‘Pag nailagay ko ang hair, at saka natin malalaman kung successful ang iyong transformation as Vice Ganda,” sabi niya.

Nang makumpleto ang look ay sinayaw din ng mag-ina ang kantang “Boom Panes” ni Vice Ganda.

Biniro niya rin ang ina na tila ang komedyanteng si Mahal yata ang naging kamukha nito. Bumawi rin naman siya sa huli at sinabing palaging maganda ang ina sa kaniyang paningin

“You are the most beautiful, with or without make up,” aniya.

Tara, tignan nga natin!

Source :

YouTube

Loading…