Nang dahil sa social distancing, lolo hanggang tanaw na lang muna sa kanyang bagong silang na apo

  • Trending sa social media ang larawan ng isang lolo na hanggang tanaw na lang muna sa kanyang bagong apo
  • Bawal kasing lumapit si lolo dahil sa ipinatutupad na social distancing sa kanilang bansa
  • Nakatanaw lamang si lolo mula sa bintana at pinagmamasdan ang kanyang cute na apo

Mahigpit na ipinagbibilin ng mga awtoridad mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kaugalian sa panahon ngayon ang social distancing o pagkakaroon ng distansya mula sa iba para makaiwas sa pagkalat ng pandemic.

Dahil sa kagustuhan ng marami na huwag lumaganap ang iba’t ibang karamdaman, marami naman ang tumatalima sa ipinatutupad na social distancing. Maging ang ilang magkakapamilya ay iniiwasan munang lumapit sa kanilang mga kaanak lalo na kung maituturing silang frontliner na maaaring makapagpasa ng virus.

Larawan mula sa Tweet ni emmabethgall

Ganito ang diwa ng larawang trending ngayon sa Twitter. Dahil sa ipinatutupad na social distancing, hindi makalapit ngayon ang isang lolo sa kanyang bagong silang na apo. Nakatanaw na lamang ang lolo sa kanyang apo habang bitbit ng ama nito.

In-upload ng Twitter user na si Emma (@emmabethgall) sa kanyang account ang nakaantig na larawang ito. Makikita sa mukha ng lolo ang magkahalong saya at panghihinayang sa kanilang sitwasyon. Masaya siya dahil mayroon siyang bagong apo, ngunit hindi lubos ang kanyang kagalakan dahil hindi man lamang niya makita ang apo at may nakaharang pang bintana ngayon sa pagitan nila.

Kuwento pa ni Emma sa kanyang tweet, pamangkin daw niya ang baby sa picture na si Faolan. Tatay daw nito na si Michael ang may bitbit sa kanya sa larawan. At ang kanilang ama ay dalawang minuto lamang ang layo ng bahay mula sa kanila.

Dahil malapit lang, napagpasiyahan daw niya na silipin ang kanyang bagong apo. Batid naman daw nitong hindi siya maaaring pumasok sa bahay para na rin sa kaligtasan ng apo, ngunit gusto lang daw niya itong makita. Kapag daw humupa na ang sitwasyon, agad raw na hahagkan ng lolo ang kanyang bagong angel.

Larawan mula sa Pexels

Agad na nag-trending sa Twitter ang larawang ito ng pamilya na tila pinaglalayo ng pandemic. Habang isinusulat ang istoryang ito, umabot na sa halos 100,000 retweets at 721,500 likes ang nasabing tweet. Maraming netizens din ang naantig sa larawan at nagpaabot ng kanilang mensahe sa pamilya.

Ayon sa kanila, maghihintay daw sila ng update mula kay Emma kung saan maaari nang bitbitin ng lolo ang kanyang cute na cute na apo.

Loading…