Nasubukan mo na bang haluan ng “Tang” ang macaroni?

  • Makikita sa isang Facebook page ang isang kakaibang recipe
  • Inihalo ang isang kilalang artipisyal na orange–flavored drink mix sa macaroni
  • Ang finish product nito ay tila orange–flavored macaroni salad

Sadyang malikhain pagdating sa pagluluto ng pagkain ang mga Pilipino. Dahil sadya rin ang pagkahilig sa pagkain, ang iba ay nag–eeksperimento ng iba’t ibang putahe at recipe, na minsan ay patok sa panlasa, at maaari din namang hindi.

Kaya naman, nabuksan ang kuryosidad ng mga netizens sa ibinahaging larawan sa Facebook page na “Chef Secrets” kung saan makikitang inihalo ang isang powdered orange juice sa macaroni pasta, at ang finished product ay talaga namang nakapupukaw ng imahinasyon kung masarap o hindi.

Imahe mula sa Facebook page na Chef Secrets

Marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento hinggil dito. May mga nagpatunay na masarap ang lasa nito, habang ang iba naman ay nagpahayag na gusto nilang masubukan ito.

“I would totally try this. Might be pretty good cold. Great I’ll have to serve that at work soon,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “No lie, I put tang on the thanksgiving turkey. Just enough to enhance the color. No one has ever noticed.”

“Masubukan nga iyan hahaha. Ano kayang lasa ng macaroni na may orange flavor?” saad naman ng isa.

Ang “Tang” ay sikat na brand ng artipisyal na orange–flavored drink mix na ginawa ng General Foods Corporation food scientist na si  William A. Mitchell noong 1957, at unang naipalabas at naibenta noong  1959. Sa kasalukuyan, ito ay pagmamay–ari ng Mondel?z International, isang 2012 North American company na split off ng Kraft Foods Inc. Itinitimpla ito sa tubig upang makagawa ng orange juice na karaniwang inihahanda sa mga salusalo.

Ang macaroni pasta naman ay nagmula sa bansang Italy at karaniwang ginagamit sa pagluluto ng sopas, o kaya naman ay macaroni salad.

Imahe mula sa Facebook page na Chef Secrets

Handa ka bang tikman ang naturang orange–flavored na macaroni?

Loading…