Neri Naig-Miranda, ibinida ang maraming tanim sa kanyang garden; dito kumukuha ng sangkap sa kanyang mga lutuin

  • Ipinagmalaki ni Neri Naig-Miranda ang kanyang mga pananim sa kanyang hardin
  • Kumuha siya rito ng mga sangkap para sa kanyang mga ilulutong tanghalian at meryenda para sa pamilya niya
  • Mapapanood ang pag-ani ni Neri mula sa kanyang hardin sa kanyang YouTube vlog

Ngayong nasa bahay lamang ang karamihan ng mga Pilipino dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), marami ang nangangamba sa kanilang kakainin. Kaya naman ang Baguio City ay namimigay na ng mga buto at binhi para hikayating magtanim ang kanilang mga residente.

Ayon sa pamunuang lokal ng Baguio City, mas mainam na matutong magtanim ang kanilang mga residente at magkaroon ng survival garden upang mayroong mapagkuhanan ng kakainin sa panahon ng sakuna katulad ngayon.

Larawan mula sa video ni Neri-Naig Miranda

Pero ang aktres at social media influencer na si Neri Naig-Miranda, kahit marangya ang pamumuhay ay natutong magtanim ng mga gulay sa kanyang sariling bakuran. Ngayon nga, ibinida niya sa kanyang vlog na ang mga sangkap sa kanyang mga niluluto ay galing mismo sa kanyang hardin.

Sa Tagaytay naninirahan si Neri kasama ang kanyang asawa at bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. At sa kanilang lupain sa nasabing lungsod ay maraming pananim ang dating Kapamilya actress. Ipinkita niya sa latest video sa kanyang YouTube channel na siya mismo ang kumuha at namitas ng mga sangkap na gagamitin sa kanyang pagluluto.

Nagluto si Neri ng chopsuey at nilagang mais sa kanyang vlog kaya naman nanguha siya ng carrots, mais, at bell pepper sa kanyang bakuran. Katuwang ni Neri sa paghananda ang kanyang ina. Matapos lutuin ay agad na pinagsaluhan ng kanyang pamilya ang masarap niyang lutuin na may sariwang mga gulay mula sa kanilang bakuran.

Larawan mula sa video ni Neri-Naig Miranda

Sa Instagram account nga ni Neri, sinabi nito na proud siya sa kanyang “farm to table” na inihanda sa kanyang pamilya. Isa raw ito sa kanyang pamamaraan upang maging isang matipid at wais na misis.

“Yung mga naani ko, niluto ko rin. Feeling farm to table ang dating, hehe. Sabay-sabay tayong manood! Sorry medyo maingay lang nanay ko, panay puna sa akin, haha! Normal lang namin yun, hahaha!” sabi ni Neri sa kanyang Instagram post.

Panoorin ang garden to table video ni Neri:

Loading…