Netizen hinggil kay Mayor Vico: “Age and experience are not sole basis of competence”

  • Binigyang–pugay ng isang netizen si Pasig City Mayor Vico Sotto
  • Pinatunayan daw nito na ang edad at karanasan ng tao ay hindi sapat na batayan upang maging mabuti at mahusay na pinunong–bayan
  • Bukod sa edad at karanasan, dapat may malasakit at empathy umano ang isang lingkod–bayan sa kaniyang mga nasasakupan

Isa sa mga pinupuri at hinahangaang mayor ngayon si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil mabisa at mahusay niyang mga solusyon at programa upang maayos na maisagawa ang Enhanced Community Quarantine sa kaniyang mga nasasakupan.

Kaya naman, hindi napigilan ng isang netizen na magbulalas ng kaniyang paghanga sa naturang mayor.

Ayon sa Facebook post ng nagngangalang “Jay–ar Son” hinggil sa mayor, “Vico Sotto is a perfect example that age and experience are not sole basis of competence. It’s more of compassion and empathy towards people.”

Public Domain Image

Umani naman ito ng pagsang–ayon mula sa iba pang mga netizens. Hindi lamang ang mayor ang kanilang binigyang–pugay, kundi maging ang ina nito na si Coney Reyes, na isa sa mga mahuhusay na aktres ng showbiz. Pinalaki umano nito nang maayos ang anak.

Sabi ng isa, “He’s a living example of the verse sa bible na ‘Don’t let anyone look down on you because you are young, but set an example for the believers in speech, in conduct, in love, in faith and in purity.’ Ayon iyan sa 1 Timothy 4:12 ng bible. Kudos, Mayor Vico!”

“Great job to his mom Coney Reyes, she raised him very well. It pays to be God-fearing. Sabi nga, ‘Let us work in silence, let your work be your success…” turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “I bet young leaders are better. Hoping their mindset will not be poisoned by ruthless and greedy politicians.”

Public Domain Image

Si Victor María Regis “Vico” Nubla Sotto ay isinilang noong Hunyo 17, 1989, at anak nina Coney Reyes at Vic Sotto. Unang sabak ni Vico sa pamamahala noong 2016 bilang kasapi ng Pasig City Council Noong 2019, tumakbo siya bilang mayor ng Pasig City sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko. Natalo niya ang mayor nitong si Robert Eusebio at winakasan ang 27 taong pamamayagpag ng pamilya Eusebio sa larangan ng politika.

Loading…