Netizen hinggil sa krisis ng COVID 19: “God must be putting things in order”

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang pagninilay sa mga nangyayari sa kasalukuyan
  • Baka raw may mensahe ang Diyos sa ating lahat na kailangan nating huminto nang panandalian at mag–isip
  • Sa kabuuan, kailangan daw magtiwala sa kalooban Niya kahit hindi natin nauunawan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa ngayon

“GOD MUST BE PUTTING THINGS IN ORDER…”

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Kelly Jane Bacuyag Jove” ang kaniyang mga napagnilayan sa mga nangyayari ngayon, kaugnay ng sunod–sunod na hamong kinahaharap ng mga tao sa buong mundo, partikular ang pandemic ng COVID–19.

Makikita ito sa kaniyang Facebook post noong Marso 15, 2020.

Aniya, “In the midst of this crisis and chaos, I was wondering if God is actually setting things right. He is allowing all these so the world can be shaken and sifted, then things will settle and be clearer. I wonder if He is resetting some things.”

Imahe mula sa Facebook account ni Kelly Jane Bacuyag Jove

Dahil daw sa mga nangyayari ngayon, nababantad daw kung ano ang tunay na kulay ng mga opisyal ng pamahalaang binoto ng taumbayan. Nakikita raw ng taumbayan kung sino–sino ang mga tunay na bayani.

“Imagine, citizens are made to see clearly how their elected officials are responding to the crisis, selfishly or compassionately. Citizens will witness the real heroes who are on the frontlines battling this ‘enemy’ to save lives. And they will see those who are just grandstanding and doing the blame game. Citizens will see.”

Dagdag pa niya, hamon din ito sa lahat upang maging mas personal at mas dalasan ang pakikipag–ugnayan sa Diyos, lalo pa’t ipinagbawal na rin ang mga panrelihiyong gawain, bilang pagsunod sa social distancing; lalo pa’t nalalapit na rin ang panahon ng Kuwaresma.

“The Lenten season will become more personal, interior and spiritual, not just religious,” aniya.

Mas mabibigyan din daw ng pagkakataon ang bawat pamilya na makasalamuha ang isa’t isa lalo’t pinatutupad ang curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. “Families will learn to talk to one another again.”

Napagtanto niya raw na, “Friends, God is probably asking us to STOP FOR A WHILE. We have scurried to and fro for a long time and we must have been missing something. God is forcing us to stop and be mindful of what He is doing.”

Public Domain Image

Sa kaniyang pagtatapos, “STOP, LOOK AND LISTEN! He is probably setting some things right in your life.”

Sumasang–ayon ka ba sa kaniyang mga sinabi? Paano ka tumitingin sa “brighter side” ng mga nangyayari ngayon sa ating bansa, at sa buong mundo?

Source :

Facebook

Loading…