Netizen hinggil sa mataong pila ng LRT at MRT: “Kailan ninyo balak i–cancel ang event na ito?”

  • Napatanong ang isang netizen hinggil sa laging matao at usad–pagong na pila ng mga pasahero sa LRT at MRT
  • Tanong niya, kailan daw ba maka–cancel ang event na ito na nangangahulugang kailan nga ba maisasaayos ito
  • Umani naman ito ng komento mula sa iba pang mga netizens

Isa sa mga kalbaryong kinahaharap ng mga pasahero araw–araw ang mabigat na daloy ng trapiko sa iba’t ibang lansangan, kaya naman maliban sa mga pampasaherong dyip at bus, isa sa mga options na pinipiling alternatibo ng mga pasahero upang mapabilis ang byahe ay pagsakay sa LRT o MRT.

Subalit minsan, sa halip na makatulong ay perwisyo pa ang dulot nito, lalo na kapag dumagsa na ang maraming taong nagnanais ding sumakay rito.

Sa banta ng COVID–19 sa bansa at pagpapa–iwas sa mga tao sa matataong lugar, isang netizen na nagngangalang “Thysz Estrada” ang napatanong sa kaniyang Facebook post:

“Social distancing? Kailan ninyo balak i-cancel itong event na ‘to?” kalakip ang larawan ng dagsa–dagsang pasahero ng LRT at MRT.

Imahe mula sa Facebook account ni Thysz Estrada

Ang tanong na iyan ay nangangahulugang kailan nga ba maisasaayos ang sistema ng pagpila ng mga pasahero sa LRT o MRT at hindi laging tila usad–pagong?

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “In civilized cities, cycling infrastructure provides redundancy for mass transit like how people got on bikes when there were transit disruptions in Paris. Our transport system is inhumane.”

“Dito lang yata sa Pilipinas ganiyan ka–drastic ang transportation system, lalo na ang mga rail system. Sana dumating ang panahong may bullet train na rin tayo, mas malalawak na mga daan, mas maaayos na mga bagol na hindi humihinto o tumitirik sa gitna ng riles,” komento naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Only in the Philippines. Imbes na hindi ka sana mahuhuli sa trabaho, paaralan, o sa alinmang appointment mo, minsan kapag pumila ka sa LRT o MRT lalo na at rush hour, napupurnada pa. Kaya ka nga sasakay sa mga ganito para mapabilis ka hindi ba? Sa madalas na pagkakataon, kabaligtaran ang nangyayari.”

Sana nga ay dumating ang panahong maisaayos na ang sistema sa pagsakay sa LRT at MRT.

Imahe mula sa Facebook account ni Thysz Estrada

Loading…