Netizen hinikayat ang mga turista na magpakuha ng larawan sa Luneta photographers

Imahe mula sa Facebook | Crystal Te-Rodriguez
  • Hinikayat ng isang netizen ang mga turista na magpakuha ng larawan sa mga photographer sa Luneta Park
  • Humihina na raw kasi ang kita nila simula nang mauso ang mga camera sa cellphone
  • Sa murang halaga ay mabibigyan ka ng mga ito ng larawan sa Rizal monument nang hindi nakikita ang binansagang ‘pambansang photob0mber’

Isa ang Luneta Park sa Maynila sa mga dinadayo ng mga turistang Pilipino o banyaga.

Imahe mula sa Facebook | Crystal Te-Rodriguez

Kung nakapunta ka na rito, marahil ay naalok ka nang kuhanan ng larawan ng mga photographer doon. Ngunit dahil may magandang camera na ang iyong cellphone ay tinanggihan mo na ang kanilang serbisyo.

Ito ang dahilan kung bakit ibinahagi ng netizen na si Crystal Te-Rodriguez ang kaniyang karanasan  nang pumasyal siya sa Luneta kamakailan. Nakilala niya roon si Mang Eddie Panuelos na nagkuwento kung paano naapektuhan ng mga cellphone camera ang kanilang kabuhayan.

“Humina talaga yung kita noong nauso ‘yung mga cellphone kaya konti na lang kaming photographer dito,” sabi raw ni Mang Eddie, isa sa mga natitirang photographer sa Luneta, sa kaniya.

Ngunit kahit humihina na ang kita ay patuloy pa rin itong ginagawa ni Panuelos. Sa katunayan, araw araw siyang bumibiyahe mula sa kanilang bahay sa Bulacan patungo sa Luneta simula pa noong 1972 upang kumuha ng larawan ng mga turista.

Imahe mula sa Facebook | Crystal Te-Rodriguez

Sa halagang P50 ay may dalawang 4×3 na larawan na raw na makukuha kasama ang Rizal Monument nang hindi nakikita ang binansagang pambansang photob0mber na Torre de Manila.

“I mean, it is a great deal – I got around six shots for P300 – it’s a coffee and a donut in Starbucks, really,” aniya. “It is a decent job, by honest people trying to make a living.”

Dahil dito ay hinikayat niya ang mga turista na magpakuha ng larawan kay Mang Eddie o sa mga kasamahan niyang litratista sa Luneta.

“They know how to take your photo without that ugly distraction, you get a photo with our national hero, and they get to make an honest living, everyone wins! Mabuhay ang manggagawang Pilipino,” saad niya.

Source :

Facebook

Loading…