Netizen, humugot sa pag-iibigang KZ Tandingan at TJ Monterde

  • Nagbigay ng “hugot” ang isang netizen hinggil sa pag-iibigang KZ Tandingan at TJ Monterde
  • Ayon sa kaniya, isang pagsasayang lamang ng oras ang relasyong hindi rin mauuwi sa kasalan
  • Dapat daw mag–isip ng long term ang mga magkasintahan, lalo na sa pagbuo ng pamilya

Sa mga panahong halos sunod–sunod ang pagpapakasal ng mga celebrity, hindi naman napigilan ng isang netizen na “humugot” sa pag-iibigang KZ Tandingan at TJ Monterde, na kamakailan lamang ay napabalitang ikinasal na rin; bagay na pinabulaanan ng dalawa dahil “prenup photos” lamang pala ang mga pinag–usapang larawan nila.

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Prince Umpad” sa kaniyang Facebook post ang kaniyang “hugot” hinggil sa pagpili ng taong makakasama habambuhay.

Public Domain Image

Ayon sa kaniyang post, “You deserve someone who has plans on marrying you one day. Love is not a game. It’s an investment. Commitment.”

Dagdag pa niya, “You know, as a man you should look at your girl as the mother of your future babies. She could be your girl for a lifetime. She’ll be your baby mama, partner and best friend in one.”

Ang punto raw niya, kung hindi naman balak pakasalan ng isang lalaki ang kaniyang nobya, makabubuting iwanan na lamang niya ito. Dapat daw pakaisipin ang “long term”.

“If you can’t picture her in the aisle walking towards you with a teary eye, leave her alone. If you can’t picture out buying your first house, your dream car, building family with her, leave her alone. If marriage isn’t the goal, then what’s the point? Think long term,” saad niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Indeeed! See your woman as your future wife, not just a girlfriend. Because what’s the point of having relationship if you don’t have any plans on marrying that person you’re in a relationship with. Is it only for pleasure?”

Public Domain Image

“Well said. Don’t waste time, don’t break their heart, be serious and responsible towards them if you’re really sure. If not, don’t even try to start… but observe,” turan naman ng isa.

Ayon naman sa isa, “Looking forward to this also in God’s perfect time. As we age, we’re no longer looking for a fling-fling relationship. If that person uses you then you have to leave him. Uses you as a person just to feed and please his wants and needs and not for long term plan then leave him. He is not worthy of your love.”

Sabi nga, ang pagpapakasal ay hindi isang mainit na kaning isusubo, na kapag nainitan at napaso, iluluwa na lamang basta–basta. Bago pumasok sa desisyon ng pagpapakasal, tiyakin munang handang–handa na sa lahat ng aspeto.

Source :

Facebook

Loading…