Netizen ibinahagi ang ginawang listahan para sa kaniyang stockpile sa panahon ng krisis

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang listahan para sa kaniyang stockpile
  • Magagamit umano ito ng publiko para sa panahon ng pangangailangan
  • Ilan sa mga hindi mawala rito ang mga gamot, disinfectant, first aid kit, at pagkain

Matapos ang pagpapahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim sa “community quarantine” ang Metro Manila upang masawata ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 o COVID–19, lalong dumagsa ang mga mamimili sa iba’t ibang malls, supermarkets, convenience stores, at pamilihan at nagsagawa ng “panic buying”.

Kaya naman, isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang listahan na kadalasan niyang binibili upang mapunan ang kaniyang stockpile na tiyak na magagamit sa panahon ng pangangailangan, lalo pa’t nahaharap ang bansa sa krisis.

Makikita ito sa kaniyang Facebook post noong Marso 11, 2020, bago pa man ang deklarasyon ng Pangulo.

Imahe mula sa Facebook account ni Annita Olarte

“Because panic buying is in… Pero huwag namang total panic, lalo na kapag hindi pa kaya magbuying, kalma lang. Be Alert but not anxious. Prepare lang at huwag nega,” ayon sa post.

Sa unang listahan, makikita ang sumusunod na mga items: mga dish washer, disinfectant, hand sanitizers, alcohol, mga sabong panligo at panlaba, fabric conditioner, mga “girl thing”, mga oinments at pain relievers, mga pansindi tulad ng lighters at posporo, mga pampailaw kapag nawalan ng kuryente gaya ng improvized lamps at kanila, at baterya para sa flashlights at iba pang kasangkapang ginagamitan nito.

Nasa listahan din niya ang iba’t ibang mga gamot, bulak, gasa, at iba pang mga bagay na matatagpuan sa first aid kit. Nariyan din ang mga kailangan ngayon upang masawata ang COVID–19 gaya ng gloves at face masks gayundin ang goggles at mask filters.

Sinasabing ang panlaban talaga ng mga tao sa COVID–19 ay pagpapalakas ng resistensiya. Kaya naman, kasama rin sa listahan ang mga masusustansiyang gulay at root crops gaya ng patatas, sayote, kalabasa, sitaw, Baguio beans, repolyo, talong, ampalaya, kamatis, bawang, sibuyas, berdeng sili, luya, kalamansi, pechay, at kangkong.

Huwag ding kalimutan ang mga condiments at iba pang mga pampalasa, honey, kape, powdered milk, oats, palaman at tinapay, mga canned goods gaya ng mackerel, sardinas, Spanish sardines, corned beef, meat loaf, tuna variants, noodles, at tsokolate. At syempre, huwag kalimutan ang mga alagang pets.

Sa panahon ng pangangailangan, sandata ang pag–iingat at kahandaan!

Imahe mula sa Facebook account ni Annita Olarte

Loading…