Netizen, ipinakita ang sitwasyon sa Davao sa panahon ng community quarantine

  • Ibinida ng isang netizen ang community quarantine sa Davao
  • Makikita sa mga larawan na wala nang katao–tao sa kanilang bayan dahil marunong daw sumunod ang mga tagaroon sa patakaran ng pamahalaan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sa tumataas na kaso ng COVID–19 sa Pilipinas na naitatala sa bawat bayan o lalawigan, ipinatutupad na rin ang mga community quarantine hindi lamang sa mga bayan o lalawigan sa Luzon, kundi maging sa Visayas, at Mindanao. Isa na riyan ang Davao City kung saan nagmula si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya naman, ibinahagi ng isang netizen na taga–Davao ang sitwasyon sa mga lansangan sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post. Inihambing niya rito ang iba pang mga bayan kung saan napapabalita pa ring marami sa mga residente ang lumalabag dito.

Imahe mula sa Facebook account ni Sol E. Moral

“This is Davao City’s 1st day of quarantine, wala na katao–tao sa labas, lahat sumunod sa utos ng pamahalaan, walang rally, walang angal… ang tanong bakit diyan sa Manila ang hirap pasunurin ng mga tao? Ano kaya ang kaibahan sa anong klaseng mamamayan ang mga taga–Mindanao compare diyan sa mga taga–Manila?” ayon sa post.

Dagdag pa niya, “I’m not only proud, BUT I’M SO VERY VERY SUPER DUPER PROUD buti na lang Dabawenya ako.”

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Opinyon ng isa, “Namulat sila sa magandang pamumuno kaya halos lahat ay disiplinado at may takot at respeto sa sarili at sa namumuno.”

“Malaki kasi ang Manila at iba–iba ang mga tao, galing sa iba–ibang lugar na dito na talaga nag–migrate, dito na rin nag–aral at dito minsan nagkapamilya, huwag na lang po magkumpara,” sabi ng isa.

“Totoo iyan. Malinis pa sa Davao. Di–hamak na mas disiplinado ang mga taga–lalawigan kaysa sa mga taga–Maynila, hindi naman sa naghahambing,” komento naman ng isa.

Turan naman ng isa, “No offense Miss Davao, hindi po lahat ng taga–Manila ay walang disiplina. Don’t generalize people.”

Ayon sa DOH at pamahalaan, makatutulong ang community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga pamayanan kaya hinihikayat nila ang mga mamamayan na makiisa sa direktiba ng pamahalaan hinggil dito.

Imahe mula sa Facebook account ni Sol E. Moral

Loading…