Netizen, isiniwalat ang “salaulang” repacking ng relief goods sa isang lungsod

  • Ibinahagi ng isang concerned netizen ang larawan ng isang volunteer na “salaulang” nagre–repack ng bigas
  • Nakasalampak ang babae sa bigas at nakapatong pa ang isang paa habang nagse–selfie
  • Umani naman ito ng iba’t ibang mga komento mula sa mga netizens. 

Ang pamimigay ng relief goods ang kagyat at mabilisang solusyon o ayuda ng bawat lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga mamamayan, lalo na ang mga hindi makapagtrabaho, upang patuloy na mabuhay kaugnay ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Mahalaga ito lalo na’t hindi naman lahat ay may kapasidad na bumili ng kanilag mga pangangailangan mula sa grocery, dahil ang iba ay walang sapat na ipon para dito, o kaya naman ay hindi napaghandaan dahil sa kaabalahan. Kaya naman, hindi napigilan ng isang netizen na isiwalat sa kaniyang Facebook post na nagpapakita ng “salaulang” repacking ng relief goods sa isang lungsod.

Imahe mula sa Facebook account ni Mya PD

Makikita sa larawan na ang isang babaeng volunteer ay nakasalampak sa mga bigas, nakapatong ang isang paa, na tila ba nasa buhanginan ng Boracay o alinmang tabing–dagat. Hinikayat ng uploader na maimbestigahan ito ng mayor ng naturang lungsod.

“We appreciate the hard work and sacrifices of our LGU’s but sana huwag naman pong salaula. Observe proper way of repacking of relief goods, tao po ang kakain nyian hindi hayop,” ayon sa caption ng Facebook post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Kaloka naman si Ate Girl, ang paa nasa bigas, ano ba iyan, walang mga isip nakuha pa mag–selfie. Feeling yata ni Ate Girl nasa beach siya. Lunurin kaya natin iyan sa bigas!”

“Kamusta naman po ang pagre–repack ng relief goods? Ganito ba kasalaula ang pag–aayos? Hello… kababuyan ha… mga tao po ang kakain niyan at hindi mga hayop. Grabe naman po. Kahit na sabihing huhugasan naman ang bigas, but still, proper way of repacking naman po. Umiwas ka nga sa virus, sa ibang sakit ka naman madadali,” turan naman ng isa.

Public Domain Image

Nananawagan ang netizen na gawing maayos ang repacking ng mga relief goods upang maayos at ligtas pa rin itong makain ng mga tao.

Source :

Facebook

Loading…