Netizen itinampok ang “hands–on” na si Yorme Isko habang namimigay ng relief goods

  • Itinampok ng isang Manilenyo si Yorme Isko Moreno Domagoso
  • Hands–on kasi ito sa pamimigay ng sako–sakong bigas sa kaniyang mga nasasakupan
  • Napa–”sana all” na lamang ang mga netizens

Sa panahon ng enhanced community quarantine na ipinatutupad sa buong Luzon, isa sa mga kinakapitan at nagbibigay ng lakas ngayon sa mga mamamayan ang makita ang kanilang mga inihalal na mayor na “hands–on” sa pagbibigay at pag–aabot ng relief goods sa kanilang mga nasasakupan sa panahon ng pangangailangan.

Isa sa mga hinahangaan ngayon dahil sa mabilisang aksyon at pagmamalasakit ay si Yorme Isko Moreno Domagoso, na kahit wala pa ang krisis, ay inuulan na ng mga papuri at paghanga dahil sa kaniyang mga nagawa sa Maynila. Kaya naman, itinampok sa Facebook post ng isang netizen ang “hands–on” na Yorme ng Maynila.

Imahe mula sa Facebook account ni Gerald Basilan Quileste

“YORME, sinabi ko na huwag mong masyadong galingan, nakakahiya sa iba!! Hay naku ka,” ayon sa caption ng post ng netizen na si “Gerald Quileste”.

Makikita sa kaniyang mga ibinahaging larawan ang nakatayong si Mayor Isko habang minomonitor ang mga staff ng Manila City Hall na nagbababa ng mga sako–sakong bigas sa delivery truck, at ipinamamahagi sa mga Manilenyo. Nakabibilib, hindi ba?

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Ang galing naman ng Mayor ng Maynila! Sana all namimigay ng sako–sakong bigas! Dito kasi sa amin, kahit isang kilong bigas, wala pang paramdam eh.”

“Depende din kasi talaga sa pondo ang dami ng relief na kayang ibigay ng mga opsiyal ng lokal na pamahalaan. Pero sa ipinakikita ng ibang mga mayors, good job! Sana pamarisan kayo ng ibang mga mayors and local officials. Sa mga ganitong sitwasyon, malaking bagay na visible kayo sa mata ng mga bumoto sa inyo noong halalan,” turan ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Wow… iba talaga ang Yorme ng Maynila! Naiiba sa karamihan. Kudos din sa iba pang mga mayors na talagang hands–on sa pagtulong sa kanilang mga nasasakupan.”

Imahe mula sa Facebook account ni Gerald Basilan Quileste

Pagsaludo kay Yorme Isko at sa iba pang mga mayors at local officials na ginagawa nang maayos ang kanilang tungkulin sa bayan!

Loading…