Netizen, kinaawaan ang hinuling matandang babaeng street dweller na natutulog sa kalsada

  • Hindi natuwa ang isang netizen sa pagdakip sa isang matandang babaeng “street dweller” 
  • Nanigaw umano ang naturang matandang babae sa mga awtoridad na humuli sa kaniya dahil sa curfew
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

“Krimen ang pagiging mahirap.”

Iyan ang bulalas sa Facebook post ng isang concerned netizen na nagngangalang “Patrick Sicabalo” matapos niyang mabalitaan ang pagdakip ng mga opisyal ng barangay sa 69 taong gulang na babaeng “street dweller” o palaboy sa lansangan, sa Malate, Maynila kaugnay ng isinasagawang curfew, noong Marso 16.

Imahe mula sa Twitter account ng Manila Bulletin

Dinakip umano ang matandang babae dahil sa panunungayaw nito sa mga opisyal at pulis, kaya kinasuhan siya ng “Oral Defamation”, batay sa plakard na kaniyang hawak sa larawan, na ibinahagi naman sa Twitter account ng Manila Bulletin. Ikinubli naman ang mukha at pagkakakilanlan sa matandang babae.

Ayon sa nanggigigil na concerned netizen, “Street dweller, gigisingin ninyo at 1 AM. Inaresto dahil sinigawan ang mga pulis. Ano bang magagawa niya, eh wala naman siyang bahay para mag–quarantine? Sa simula pa lang bago pa maglockdown at pagkalat ng COVID-19, may kongkretong plano ba kayo para sa mga homeless?”

Dagdag pa niya, “Exposed siya sa labas. Aarestuhin ninyo, posibleng ilagay pa sa kulungan kasama ng mga walang exposure sa labas. Nag-iisip ba talaga kayo?”

Samantala, umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Turan ng isa, “THIS CAN’T BE RIGHT. How do you expect everyone to just ‘stay indoors’ if they don’t even have a home in the first place? TIRAHAN ANG KAILANGAN NILA HINDI KULUNGAN.”

“According to a police report, she allegedly shouted insults and swear words at barangay officials when they woke her up at about 1 a.m. When you’re poor and homeless, you go to JAIL. When you’re rich and powerful the table will always turn. WOW,” sabi naman ng isa.

Public Domain Image

Pahayag naman ng isa, “Hindi naman siguro natin kailangan maging matalino para maintindihang hindi krimen ang pagiging mahirap, ano? Kaya dapat makiisa tayo sa panawagan sa gobyerno. Call to action, dahil hindi sapat ang habag.”

Nananawagan ang maraming grupo na magkaroon din ng direktiba at malinaw na guidelines para naman sa mga taong palaboy na maaaring maging bantad sa banta ng COVID–19.

Loading…