Netizen, kinatuwaan ang paraan ng pag–check ng isang kahera sa temperatura niya

  • Nagdulot ng katatawanan ang isang larawang ibinahagi ng isang customer sa isang sikat na convenience store
  • Sa halip na thermal scanner ang ginamit ng kahera sa pagkuha ng kaniyang body temperature, price scanner ang ginamit nito
  • Ang thermal scanner ay isang device na ginagamit sa mabilisang pag–check sa temperatura ng mga tao na ginagamit sa mga malls at checkpoints

Bilang bahagi ng pagsugpo sa Coronavirus Disease o COVID–19, marami sa mga establishments gaya ng mga malls at convenience stores na gumagamit ng thermal scanner upang malaman ang temperatura ng mga taong pumapasok dito. Hindi maaaring pumasok ang sinumang lalagpas sa 37 degree Celsius.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang Facebook post ng isang nagngangalang “Nike” matapos ibahagi ang kuwelang paraan ng pag–check sa kaniyang temperatura ng isang kahera sa isang sikat na 24/7 convenience store. Imbes kasi na thermal scanner, price scanner ang ginamit na panukatan para sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Nike

“Grabe naman si ante, hindi ko alam kung tinitingnan body temp. ko o tinitingnan kung may halaga ako,” turan ng lalaki.

Natawa rin ang iba pang mga netizens at nagbigay sila ng komento hinggil dito.

“Grabe nga… at talagang yung price scanner ang ginamit ni Ate? Hahaha. Parang sinukat naman niya ang pagkatao ni Kuya,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Ate, check mo muna kung gumagana iyan nang maayos. Sa ibang checkpoints kasi, dispalinghado. Hindi accurate ang lumalabas na temperature. God bless, Philippines!”

“Parang sinusukat ng kahera kung magkano ang halaga o value ng customer niya, hahaha. Good vibes lang. We need a little bit breather at times like this,” pagbabahagi naman ng isa.

Samantala, nitong Marso 16, 2020, humiling sa Department of Health (DOH) ang mga kapulisan sa Metro Manila na dagdagan ang kanilang mga thermal scanners na magagamit nila sa pagsasagawa ng mga checkpoints kaugnay na rin ng implementasyon ng enhanced community quarantine laban sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Public Domain Image

Umapela si Maj. Gen. Debold Sinas na siyang hepe ng National Capital Region Police Office para sa karagdagang mahigit na sa 100 thermal scanners na magagamit sa lahat ng mga checkpoints. Sa isang checkpoints kasi ay may tatlong thermal scanners lamang kasi ang nagagamit kaya tumatagal din ang pila.

Loading…