Netizen may paghahambing hinggil sa “panic buying” sa Pilipinas at ibang bansa

  • May paghahambing ang isang netizen sa “panic buying” sa Pilipinas at ibang bansa
  • Sa ibang bansa raw, ginagawa ito upang gamitin; sa Pilipinas, para maibenta nang mas mahal
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

“Other country: nagpapanic buying para may gamitin; My country: nagpapanic buying para mabenta ng doble–dobleng presyo.”

Iyan ang matapang na paghahambing at obserbasyon ng isang netizen sa kaniyang Facebook post kaugnay sa “panic buying” o pagbili ng napakarami o labis–labis na suplay ng ilang mga kapwa–Pilipino, partikular sa mga alkohol, hand sanitizers, face masks, disinfectants, at iba pang mga pangunahing pangangailangan dahil na rin sa COVID–19 outbreak.

Public Domain Image

May pahabol pa ang naturang netizen, “Photo not mine! This is not all about the picture, just focus on my status. Gigil na gigil masyado mga online sellers eh. Totoo naman.”

Napabalitang marami raw ang bumibili ng mga bulto–bultong suplay tulad ng sanitizers at face masks at ibinebenta ito ng mas mahal kaysa sa orihinal na presyo nito, at ibinebenta online. Hindi umano ito makatarungan lalo na sa panahon ngayong kailangang–kailangan ito ng mga taong mas apektado ng COVID–19, at mga front liners.

Kaya naman, marami sa mga supermarkets at convenience stores ang nagbigay ng limit sa bawat taong bibili ng mga naturang produkto, lalo na sa mga sanitizer at face masks, dahil nagkakaubusan na. Marami na ang nagpatunay na halos wala pang isang oras inilalabas ang mga sanitary products sa estante, out of stocks na kaagad ang mga ito.

Komento ng isang netizen, “Huwag kayong bumili sa mga online sellers na iya, kapag mataas ang presyo nila; kapag walang bumili sa kanila, mahihirapan silang i–dispose ‘yan hahaha… painom na lang sa kanila ‘yan.”

“The store should limit the customers from buying more. Like what a mall is doing, they only sell 6 bottles of alcohol per customer,” mungkahi naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Kaka–panic buying ninyo baka kayo pa hawaan, huwag naman OA, kung gagamitin lang din sa pananamantala…”

Tandaan, ang pananamantala ay hindi magandang gawain para sa kapwa, lalo na sa panahon ngayon na malaki ang banta at hamon sa ating kalusugan.

Public Domain Image

Loading…