Netizen na dating naligaw ng landas: “I’m transformed by God and found my real identity in Christ”

  • Nagbigay ng isang testimonya ang isang netizen na dating naligaw ng landas
  • Isinalaysay niya ang kaniyang mga pinagdaanan bago siya “muling nakabalik” sa Panginoon
  • Pinatunayan niyang walang imposible sa Diyos lalo na kung ibibigay ang buong pagtitiwala sa Kaniya

Lahat ng imposible ay magiging posible basta’t ipagkakatiwala lamang ang lahat sa Diyos.

Pinatunayan iyan ng isang testimonya mula sa isang netizen na nagngangalang “Marynel Pineda Quizon”, sa kaniyang Facebook post sa page na “Galawang Jesus”. Hindi siya nagdalawang–isip na ibahagi sa lahat kung paano kumilos ang Diyos sa kaniya upang maitama ang mga nagawang pagkakamali.

Imahe mula sa Facebook page ng Galawang Jesus

Batay sa kaniyang unang pahayag, “I made it not to flex myself but to flex the God that turns every impossible into possible”.

Salaysay niya, sa gulang na 14 ay maaga siyang namulat sa mga bisyo gaya ng alak at sigarilyo. Naging laman din siya ng mga gimikan at kasiyahan. Nalito rin siya sa tunay niyang sekswalidad at nagkaroon ng apat na karelasyong babae. Pakiramdam daw niya kasi ay lalaki siya.

“For how many years, yung girlfriend, bisyo at barkada yung naging buhay ko. Until the day that I’ve faced my first giant. Nagkaroon ng family problem and sobrang naapektuhan ako, nawala din si Girl, sunod–sunod yung naging problema,” bahagi ng kaniyang post.

Isang araw, habang mag–isa lamang sa kanilang bahay, nakarinig umano siya ng bulong na nagsasabing “Tapusin mo na”.

Ginalugad daw niya ang kasulok–sulukan ng kanilang bahay upang makakuha ng mga gamot na balak niyang gamitin sa pagtapos ng sarili. Wala na raw siyang pakialam sa mga mangyayari.

Subalit hindi ito naisakatuparan. Hindi nagtagumpay ang pagkilos ng “kalaban”. Nakarinig umano siya ng isang tinig mula sa kaniyang isip, na nagsasabing “Be still, I will never leave you nor forsake you!” Lumuhod daw siya, nanalangin sa Diyos, at humingi ng tawad.

Imahe mula sa Facebook page ng Galawang Jesus

Hanggang sa may nakatrabaho siyang Christian Born Again, nakakuwentuhan, at ipinaalala sa kaniya na mahal siya ng Diyos. Dahil doon, muling nanumbalik ang kagustuhan ni Marynel na hanapin ang presensiya ng Diyos.

“Bumalik ako sa church, then on the second time after 8 years of being a parted, I seriously accepted Christ Jesus as my personal Lord and savior, surrendered my life to Him and made a commitment to serve Him until my last breath… Now I found my missing piece. Lahat ng iniisip kong hindi ko kayang gawin, nagawa ko all by the grace of the Lord,” turan ni Marynel.

Dagdag pa niya: “Now I’m serving God with all my heart, mind and soul. I AM MARYNEL PINEDA QUIZON, transformed by God and I found my REAL IDENTITY IN CHRIST. Once a slave but now I’m free.”

Source :

Facebook

Loading…