Netizen na kinatakutan ng bata: “Hindi niya alam nangunguha ako ng nanay”

  • Kinatuwaan ng mga netizen ang ibinahaging larawan ng isang Facebook user
  • Natakot umano sa kaniya ang isang batang babaeng karga ng kaniyang nanay
  • Biro nito, hindi naman daw siya nangunguha ng bata kundi nanay ang kinukuha niya

Naranasan mo na bang takutin noong bata ka pa na may “mamang” kukuha sa iyo kapag malikot at makulit ka? O minsan sa buhay mo ay naranasan mong manakot sa isang bata na kukunin mo, o iiwan siya ng nanay niya?

Nagbunsod ng pagkaaliw sa mga netizens ang ibinahaging Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “Ray Dash” kung saan sinabi niyang natakot umano sa kaniya ang isang batang babaeng tinakpan naman niya ang mukha upang hindi makilala. Karga ito ng kaniyang nanay at tila nakapila upang bumili ng pagkain sa isang sikat na fast food chain. Biro niya, hindi naman ito ang kukunin niya kundi ang nanay nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Ray Dash

“Yung natatakot sa’yo yung bata. Akala siguro niya nangunguha ako ng bata… hindi niya alam nangunguha ako ng nanay,” ayon sa post.

Natawa at naaliw naman dito ang iba pang mga netizens at nagbigay sila ng komento hinggil dito.

Sabi ng isa, “Naalala ko noong bata ako, lagi akong sinasabihan ng tatay ko na huwag daw akong makulit dahil may kukuha raw sa aking lalaking malaki at balbas–sarado. Ibebenta raw ako sa mga Bumbay. Hahaha. Palibhasa bata at mapaniwalain pa, itinitikom ko kaagad ang bibig ko, tapos tatakpan ko pa ng mga kamay. Those were the days”.

“Siguro nakakatakot ang hitsura ng lalaki kaya kinatakutan ng bata. Hahaha. Ako kasi dati, natatakot ako sa mga lalaking may balbas at bigote tapos malalaki ang katawan, lalo na’t may tattoo pa. Pakiramdam ko bigla na lang akong kakargahin at dadalhin sa kung saan,” turan naman ng isa.

Bulalas naman ng isa, “Noong bata ako, umiiyak talaga ako kapag sinasabi ng nanay ko na aalis siya at ililigaw niya ako, o kaya isasako niya ako at ibebenta sa isang mama, kapag hindi ako tumahan sa pag–iyak, o kaya naman kapag ayaw kong paawat sa pakikipaglaro ng rambulang gagamba sa kapitbahay”.

Ayon sa mga eksperto, bagama’t madaling takutin ang mga bata, daan upang masuweto ito, hindi raw magandang tinatakot dahil maaaring mapanaginipan niya ito at makalikha ng trauma sa kaniya. Sa halip, umisip daw ng mas malikhaing paraan kung paano makukuha ang atensyon ng mga anak o bata na nais kastiguhin.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…