Netizen na nais makatulong sa frontliners, nanawagan para makahingi ng materyales sa paggawa ng PPE

  • Ipinahayag ng isang netizen ang pagnanais niyang makatulong sa mga itinuturing na frontliners ngayon sa bansa
  • Nanawagan ito sa social media upang makakuha ng mga materyales na gagamitin niya sa pagtatahi ng mga personal protective equipment o PPE para magamit ng mga health workers
  • Ibinahagi rin nito sa social media ang bago nitong disenyo ng PPE na kaniyang nagawa na

Ipinaabot ng isang netizen ang kaniyang pagnanais na makatulong sa mga frontliners, partikular na sa mga health workers na nangangailangan ng proteksiyon sa paggawa ng kani-kanilang mga tungkulin.

Imahe mula kay Glorydelle Zapanta | Facebook

Sa post ng isang netizen na kinilalang si Glorydelle Zapanta sa Facebook noong March 25, ipinahayag nito ang pagnanais na maipagpatuloy ang pananahi ng mga personal protective equipment o PPE para sa mga health workers.

Dahil sa kakulangan ng materyales na mayroon siya, humihingi siya ngayon ng tulong sa ilang mga kababayan upang mabigyan sana siya ng kaniyang mga kinakailangang gamit sa paggawa ng nasabing PPE.

“Good day, friends. I am Grace from Pinsao Proper, Baguio City,” pagpapakilala niya sa sarili sa unang bahagi ng post.

“Mananahi po ako ng gowns. Pero simula nang nagkaroon ng C0VID-19 dito sa Baguio I pledged to help our frontliners by sewing protective suits for them, making face shields, and face mask.”

“Hindi po ako mayaman, pero binibili ko po yung materias through the money na kinita ko from selling. But kulang po yung materials ko. Now Ive decided to message you to help me look for donations,” panawagan ng netizen.

Ayon pa sa netizen, ilan sa mga materyales na kinakailangan niya ngayon ay garter, acetate, masking tapes, double-sided tapes, kahit plastic cover, tela, o kung wala naman ay maaaring pera upang mabili niya ang mga nabanggit na gamit.

Imahe mula kay Glorydelle Zapanta | Facebook

“Lahat po ng magagawa ko ay dino-donate ko po sa mga frontliners natin. As of now, they need face shield mask for police and PPE sa mga hospital. Sana po tulungan niyo akong tulungan sila,” sabi pa nito.

Sa hiwalay na post, pinakita ni Glorydelle ang bago niyang natahing disenyo ng PPE.

Dagdag niya, papaaprubahan muna niya sa isang doctor ang nagawang PPE bago magtahi ng marami.

Loading…