Netizen na naubusan ng alcohol, “body lotion” with 50x vitamin C ang binili

  • Kinatuwaan ang isang Facebook post ng isang netizen
  • Sa kawalan ng mabibiling alcohol, body lotion na may 50x vitamin c na lamang daw ang binili niya
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Sa panahon ng “panic buying” at “hoarding” kaugnay ng pagsugpo sa COVID–19, isa sa mga medical supplies na talagang mabilis na naubos at tila nasimot sa mga supermarkets at grocery stores ang mga alcohol at hand sanitizers. Ang mga ito kasi ang mabilisang solusyon upang makapag-disinfect lalo na kung nasa labas ng bahay at hindi kaagad makapaghuhugas ng mga kamay.

Dahil sa nagkakaubusan na nga, minabuti ng isang netizen na nagngangalang “Nikita” na pakalmahin ang sarili at huwag nang ma–stress sa hindi pagkakabili ng item na sobrang in-demand.

Makikita sa kaniyang Facebook post noong Marso 11, 2020 na sa halip na alcohol na lamang daw ang bibilhin niya (Ubos na kasi!), naisip umano niyang alternatibo ang isang body lotion na may 50 ulit na vitamin C.

Imahe mula sa Facebook account ni Nikita Tolentino

“Wala na akong mabiling alcohol, pero nakabili ako ng buy 1 take 1 lotion with 50x vitamin C,” ayon sa post ng netizen. Dagdag pa nito, tiyak na lilisan siya sa mundo nang maputi at makinis

Bumenta naman ito sa iba pang mga netizens at hindi napigilang magbigay ng komento hinggil dito.

“Hahaha, sikat ka na besh… try mo muna iyan ah, kapag effective iyan, baka marami rin ang maghoard ng body lotion na iyan,” biro ng isa.

Turan naman ng isa, “Sorry, pero bentang–benta sa akin ito, hanggang ngayon tawang–tawa pa rin ako. Hahahahaha. Ok lang iyan girl, puputi ka naman at kikinis.”

“Still protected with vitamin c! That’s the spirit haha! Tingnan natin kung malunasan niyan ang COVID–19,” hirit naman ng isa.

Inirerekomenda ng DOH sa publiko ang pagpapalakas ng resistensiya o immune system ng mga tao upang hindi magkasakit, kung sakali mang “carrier” ng COVID–19 at asymptomatic ito. Magagawa ito sa pamamagitan ng masusustansiyang pagkain, proper hygiene, at pag–inom ng vitamins.

Loading…