Netizen na residente ng Quezon City, pinuri si Pasig City Mayor Vico Sotto

  • Pinuri ng isang taga–Quezon City si Pasig City Mayor Vico Sotto
  • Kahanga–hanga umano ang dedikasyon nitong mapaglingkuran ang kaniyang mga nasasakupan
  • Nawa daw ay ingatan at protektahan ng mga taga–Pasig City ang 30 taong gulang na mayor

Sa problemang idinulot ng paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 o COVID–19 sa Pilipinas, dito naipakita ang iba’t ibang diskarte at husay ng mga pinunong–bayan sa pagreresolba ng mga suliranin at kinakaharap na krisis. Isa sa mga pinupuri at hinahangaan ngayon ng mga netizens, lalo na ang kaniyang mga nasasakupan, ay si Pasig Mayor Vico Sotto.

Kaya naman, maging ang ibang mga residente sa ibang lungsod ay hindi napigilang magpahayag ng paghanga para sa mayor ng Pasig. Ipinahayag sa Facebook post ng isang netizen na si “Toni” na taga–Quezon City ang kaniyang papuri para sa naturang mayor. Nakiusap siya sa lahat na ipanalangin si Mayor Vico at protektahan siya.

Imahe mula sa Facebook account ni Toni Panagu

“Seeing his face on TV brought tears to my eyes. Mayor Vico looked so overworked. We witness a man na hindi nakakatulog nang maayos kakaisip kung paano tutulungan ang nasasakupan niya in times of crisis. Imagine, a politician who actually does his job. Deserve ba talaga natin ‘yan? Please pray for him and protect him at all costs,” ayon sa kaniyang post.

May pahabol pa siya: “Sa galing niya, napapahiya yung ibang mayor, grabe. Di ko na babanggitin yung isa diyan, eco bag pa more. Taga-QC nga pala ako by the way.”

Nagkomento naman dito ang iba pang mga netizens.

Sabi ng isa, “Sayang 29 pa lang siya. Then again, he can use that time to be an even better leader, especially if plano niyang tumakbo for higher office.”

“Actually yung sa Pasig ang tote bag, gawa sa tela at mukhang matibay. Hindi rin pangalan ni Vico ang nakalagay kundi ‘Lungsod ng Pasig’. Lagi pa niyang ginagamit ang pronoun na ‘We” sa halip na ‘I’. Hindi naman sa nagkukumpara, pero, ganoon talaga eh…” turan naman ng isa.

Public Domain Image

Si Mayor Vico Sotto ang nagwaging mayor ng Pasig City noong 2019 Elections na tumalo kay Robert Eusebio, na namagyapag ng 27 taon sa lungsod ng Pasig.

Source :

Facebook

Loading…