Netizen, nabagbag ang damdamin sa mensahe ng airline personnel sa Japan

  • Nabagbag ang damdamin ng mga netizens sa nakasulat na mensaheng nasa wikang Nihonggo na hawak ng isang Japanese airline ground personnel
  • Batay sa salin sa wikang Ingles, nagpapasalamat siya sa mga turistang bumisita sa Japan sa kabila ng banta ng COVID 19
  • Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens

“Thank you for riding even in difficult times.”

Iyan ang salin sa wikang Ingles ng mensaheng nakapaloob sa karatulang hawak ng isang Japanese airline ground personnel, na nasusulat naman sa Nihonggo, sa pamamaalam sa mga turistang bumisita sa kanilang bansa sa kabila ng banta ng COVID 19 o Coronavirus Disease 2019 (dating 2019 Novel Coronavirus o nCov).

Ibinahagi ito ng nagngangalang “Matyu Kureigu Sero” sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post na nakita naman niya sa isang Twitter post kung saan ipinakikita ang larawan ng naturang Japanese Japanese airline ground personnel.

Imahe mula sa Facebook account ni Matyu Seno

“I saw a post in Twitter. Everyone knows that Japan is struggling to fight back against the spreading coronavirus. A lot of businesses close early in order to control the spread. Although, airlines are still working. A lot of people are canceling their flights but some still continue to fly to travel or work,” ayon sa post.

Sa pagpapatuloy, “This is a picture of a ground personnel holding a signboard saying that (Thank you for riding even in difficult times). I can say that this is a kind of Japanese hospitality. Maybe that is why a lot of countries loves Japan. Gambare Nippon!”

Nabagbag naman ang damdamin dito ng mga netizens at hindi nila napigilang magkomento hinggil dito.

Sabi ng isa, “Nakakatouch naman. Kaya mahal na mahal ko ang Japan eh. Everytime na maisipan ko magtravel, hindi nawawala sa travel bucket list ko ang Land of the Rising Sun dahil malinis, maganda, at masaya talaga doon kapag humupa na ang lahat, I would probably go back there!”

“Please live up with your tag ‘Land of the Rising Sun’. Surely, the sun will rise up again for Japan,” turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Japanese people are so down to earth and respectful. I’m sure everything will be fine soon.”

Public Domain Image

Matatandaang isa ang bansang Japan sa mga naapektuhan ng COVID 19 dahil sa maraming naitalang kaso ng mga pasyenteng natamaan nito.

Loading…