Netizen nagpanggap na hindi nakikita ang kaniyang doggo: Reaksiyon ng alaga, kinaaliwan sa socmed

  • Kinaaliwan ng netizens ang reaksiyon ng isang aso matapos magpanggap ng kaniyang amo na hindi niya nakikita ang alaga
  • Mababakas sa mukha ng aso ang pag-aalala nito dahil sa among patuloy na naghahanap sa kaniya
  • Labis naman ang tuwang naramdaman ng doggo nang yakapin na siya ng kaniyang itinuturing na “best friend”

Patok sa social media ang reaksiyon ng isang doggo matapos magpanggap ng kaniyang amo na hindi siya nito nakikita.

Imahe mula sa Facebook video ni Janice Mars

Sa ibinahaging video ng netizen na kinilalang si Janice Mars sa Facebook noong March 3 , mapapanood ang nakaaaliw na reaksiyon ng asong si Chico sa pagpapanggap ng kaniyang amo.

Finding Chico

“So this is ‘Ignoring Chico’ challenge,” maririnig na sabi ni Janice sa video. “Finding Chico,” pabirong saad pa nito.

Kapansin-pansin ang pag-alala ng aso dahil sa paghahanap sa kaniya ng isa pang netizen na mapapanood sa video. Ilang beses itong tumahol at pumuwesto sa harap ng naghahanap sa kaniya ngunit hindi pa rin siya makita.

Matapos ang higit isang minutong “pang-aasar” kay Chico, bumigay na rin ang netizen at niyakap ang kaniyang alagang aso.

Labis naman ang tuwa na naramdaman ng doggo nang makita na siyang muli ng kaniyang itinuturing na “best friend.”

Marami ang naaliw sa reaksiyon ni Chico kaya naman agad na nag-viral ang video at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media. Ang ilan naman ay na-inspire na gayahin ang challenge upang makita ang reaksiyon ng kani-kanilang mga alaga.

“Do the chico challenge,” sani naman ni IGP matapos i-tag ang pangalan ng kaibigan.

“He’s like: ‘Nandito ako, oh. Hindi mo ba ko nkikita?’” sabi ni JV.

“Poor baby is so confused,” natatawang sabi ni ZM sa comment section.

Pretending that your dog is invisible. ? #ChicoFollow Chico for more videos! https://m.facebook.com/officialchico19/

Posted by Janice Mars on Tuesday, March 3, 2020

“The smile on his face,” pagtukoy ni JDGG sa pagliwanag at pagpapakita ng masayang reaksiyon ni Chico nang mahanap na siya ng kaniyang mga amo.

Dahil sa kaniyang kakaibang charm, umabot na agad sa higit 998,000 views ang video ni Chico dalawang araw matapos itong ma-upload sa social media. Mayroon na rin itong higit 57,000 reactions at lagpas 30,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…