Netizen, naispatan ang isang motoristang nagsa–sanitize ng pasahero ng dyip sa daan

  • Namataan ng isang netizen ang isang motoristang nagwiwisik ng alcohol sa kamay ng mga pasahero sa isang pampasaherong dyip sa Ortigas
  • Ibinahagi ito ng netizen sa kaniyang Facebook account na umani ng iba’t ibang positibong komento mula sa mga kapwa–netizens
  • Dapat daw ay tularan ang mga ganitong uri ng akto ng pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa

Walang maliit o malaking bagay basta’t taos–puso ang pagtulong sa kapwa tao.

Kinalugdan ng mga netizens ang Facebook post ng isang nagngangalang “AJ Abelardo” matapos niyang ibahagi ang larawan ng isang motoristang nagsa–sanitize ng pasahero at tsuper ng isang dyip, habang nakahinto ang mga sasakyan sa daan dulot ng masikip na daloy ng trapiko kaugnay na rin ng mga checkpoints para sa enhanced community quarantine na ipinatutupad sa buong Luzon.

Imahe mula sa Facebook account ni AJ Abelardo

Ayon sa post ng netizen noong Marso 16, ang naturang eksena ay nakuhanan niya sa Ortigas exit, habang nakahinto ang kanilang mga sasakyan. Hindi naman napigilan ng netizen na kuhanan ito ng larawan sa pamamagitan ng kaniyang smartphone at i–post ito sa social media upang maghatid ng inspirasyon para sa lahat.

Umani naman ito ng iba’t ibang positibong komento mula sa mga netizens.

Papuri ng isa, “Thank you po. Nakakataba ng pusong makita mo ang kapwa mo na may malasakit sa kapwa. Ipagpatuloy lamang po natin ang pagtulong sa kapwa at pagpapakita ng mabubuting mga halimbawa upang pamarisan ng kabataan.”

“Pagdating sa mga sakuna at krisis,  walang ibang magtutulungan kundi tayo–tayo lang din. Buhay na buhay pa rin ang espiritu ng bayanihan. Iyan naman ang tunay nating maipagmamalaki bilang mga Pilipino. We are very resilient kaya kayang–kaya nating lagpasan ang lahat ng mga hamon,” sabi naman ng isa.

Turan naman ng isa na tila empleyado ng naturang lalaki, “Sir, saludo kami sa iyo. May malasakit ka talaga sa nakararami. Proud of you as our boss. Thank you so much.”

Public Domain Image

“Whatever it is. We need more of it. Salute!” pahayag naman ng isa.

Sa panahon ng krisis, kinakailangan nating paigtingin ang pagpapakita at pagsasagawa ng malasakit at pagtulong sa kapwa. Kailangan pa natin ng maraming “Mabubuting Samaritano”.

Loading…