Netizen, nanawagan sa ABS–CBN at GMA na i–replay ang mga televised election debates

  • May pakiusap ang isang netizen sa ABS–CBN 2 at GMA 7
  • I–replay daw ang mga televised election debates upang maipaalala sa lahat ang mga pangako ng politiko noong halalan
  • Sumang–ayon naman dito ang nakararami

Kaugnay ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon, pati ang mga giant tv networks ng bansa gaya ng ABS–CBN Kapamilya Network at GMA Kapuso Network ay nakiisa rito bilang proteksyon sa kalusugan ng kanilang mga artista, staff, crew, at iba pang mga empleyado, maliban sa skeletal framework upang patuloy na umere ang tv programming nito.

Dahil dito, pansamantalang itinigil muna ang pagpapalabas ng mga teleserye at live variety shows at ipinalit dito ang replay ng mga namapagyag na teleserye at best episodes naman sa mga variety shows. Kaugnay nito, nanawagan ang isang netizen sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post na i–ere ulit nila ang mga televised election debates noon ng mga kandidato, na nanalo na ngayon, upang muling mabalikan ang kanilang mga ipinangako sa publiko.

Imahe mula sa Facebook account ni Ram Sebastian Yapchiongco

Aniya, “Dear ABS-CBN and GMA since puro replay ang palabas, baka naman puwede ninyo ire-run ang mga election debates, para naman ma–refresh kami sa mga pangako nila!”

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Napakatalino mo kabayan! Bakit nga ba hindi iyon ang i–replay, throwback, para maipaalala sa lahat ng mga Pilipino kung sinong politiko ang hindi nakatupad sa mga ipinangako nila? Noong eleksyon, ang tamis manalita at mangako, eh ngayong panahong ito, nasaan sila?” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Oo nga naman! Nasaan na nga ba ang mga pangako lalo na sa ganitong pagkakataon?”

“I can’t wait… If I can vote countless just to change the outcome I will. We deserve better than this. Itong mga politiko na ito, masyado eh…” pahayag naman ng isa.

Mungkahi naman ng isa, “Pati sa CNN Philippines, maganda ring ipalabas muli yung vice presidentiable debate, maganda ang salpukan nila roon.”

Ikaw, anong masasabi mo hinggil dito? Dapat nga ba itong i–replay? At — pagbibigyan kaya ng mga network?

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…