Netizen, sinagot ang post ng isang mag–aaral hinggil sa pagpili ng mga magiging guro

  • Sinagot ng isang guro ang patutsada ng isang mag–aaral sa pamamagitan ng Twitter post
  • Nakalagay sa post ng mag–aaral ang pagtatanong na kung maaari bang pumili ng guro sa pasukan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Isa sa mga itinuturing na dakilang propesyon sa buong mundo ang pagiging guro. Sila ang nagsisilbing pangalawang magulang sa mga mag–aaral. Minsan, mas pinaniniwalaan pa ng mga bata kung ano ang mga impormasyong babanggitin ng kanilang mga “Ma’am at Sir” kaysa sa sasabihin ng kanilang mga magulang.

Kaya naman, ipinagtanggol ng mga netizens ang mga guro laban sa isang Twitter post na mula sa isang mag–aaral (na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan), na ibinahagi naman sa Facebook post ng isang guro.

Imahe mula sa Facebook account ng guro

Nakalagay sa Twitter post ang “Pwede po ba next school year (DepEd) pwede na po kami pumili ng teacher? Hirap na hirap na po kami sa mga teacher na di marunong magturo kung makapag–demand akala mo naman talaga di kami nangangapa sa subject nila”.

Sinagot naman ito ng isang guro, “”Pwede po ba next school year (DepEd) pwede na po kami pumili ng teacher? Hirap na hirap na po kami sa mga student na di nag–aaral, kung magreklamo akala mo naman nag–aaral nang husto, gumagawa ng assignment, at nakikinig sa lesson”.

Samantala, umani naman ito ng iba’t ibang mga komento mula sa mga netizens. May pabor sa sinabi ng guro, at may mga pumabor din sa mag–aaral.

“Lakas makapagsabi na di marunong magturo eh malamang sa malamang di ka nagre–review at di gumagawa ng assignment. Humihirit ka pa eh,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Baka naman talaga nasa teacher factor ‘yan. Minsan kasi, nagtuturo lang tayo pero hindi natin isinasapuso… Isa lang ‘yan sa mga batang maraming kuda pero baka naman may sense? Pakinggan ninyo muna, baka may basehan.”

“Nasanay kasi ang mga estudyante ngayon sa neo–liberal na edukasyon kung saan lahat ipinapasa nang walang ginagawa. In the end, sila ang nawalan,” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ng guro

Sa huli, magkakaroon ng mabisang pagkatuto kung mabuti ang relasyong sa pagitan ng mga guro at mag–aaral.

Loading…