Netizens, naantig sa eksena sa pagitan ng inang frontliner at kaniyang anak

Imahe mula sa video ni Enylana Jing via Facebook
  • Marami ang naantig sa eksena ng isang batang umiiyak dahil nais niyang mayakap ang ina
  • Frontliner ang kaniyang ina kaya naman hindi ito makalapit sa bata
  • Inulan din ng pasasalamat ang mga frontliner dahil sa kanilang sakripisyo para sa bansa

Naantig ang netizens sa emosyonal na eksena sa pagitan ng isang bata at ng kaniyang inang pulis na isa sa mga frontliner kontra COVID-19.

Imahe mula sa video ni Enylana Jing via Facebook

Sa video na ibinahagi ni Enylana Jing, makikita ang isang batang umiiyak at pilit na inaabot ang ina na nasa labas ng gate.

“Naiyak ako sa eksenang ito. Kahit walang muwang yung bata sa nangyayari ay apektado siya kasi gusto niyang mayakap ang Mommy niya,” kuwento niya sa post na sa kasalukuyan ay may 77k reactions at 78k shares na.

Nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang mga pulis ay naatasang bantayan ang ilang checkpoint.

Tila nakurot ang pus0 ng mga netizen kaya naman abot abot ang pasasalamat nila sa mga pulis na kagaya ng nasa video ay kailangan munang magsakripisyo sa ngalan ng serbisyo.

“Kahit sino ay maiiyak kung ganiyan na hindi mo mayakap ang anak mo. Napakahirap kaya nun,” komento ni W. Tam.

Imahe mula sa Facebook | Enylana Jing

Ang iba naman, inulit ang pakiusap ng pamahalaan na manatili muna sa kani-kaniyang mga bahay upang hindi mahawaan ng sakit.

“Kaya yung iba naman diyan na nagmamatigas pang lumabas, maawa naman kayo sa kanila. Kaunting tiis po, lalo na po para sa mga doctor at nurse. Kawawa rin po sila,” sabi ni J. Orfiano. “Let us all stay at home so they can go back home to their families,” dagdag naman ni M. Lafuente.

Ang ilan, panalangin ang kaligtasan ng mga frontliner na pinaka at risk ngayon sa COVID-19.

“Mga frontliners, mag-ingat po kayo. Gabayan po kayong lahat ng Panginoon sa inyong mga tungkulin. Hangad po namin ang inyong kaligtasan,” sabi ni R. Magno.

Salamat sa inyong serbisyo, mga frontliners!

Source :

Facebook

Loading…