“No mask, no quarantine pass, no entry” policy ng LGUs sa mga pamilihan dapat itigil – DILG

  • Ipinatitigil ng DILG ang ipinatutupad ng mga LGUs na “no mask, no quarantine pass, no entry” policy sa mga pamilihan
  • Hindi rin dapat nagpapatupad ng market curfew hours ang mga LGUs
  • Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na discriminatory ang pagpapatupad ng mga naturang polisiya

Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi dapat ipinatutupad ng mga local government units (LGUs) ang “no mask, no quarantine pass, no entry” policy sa mga palengke at iba pang establisimyento sa gitna ng enhanced community quarantine.

Social distancing sa Savemore

Hindi rin dapat nagpapatupad ng market curfew hours ang mga LGUs kung saan nililimitahan nila sa hanggang apat na oras lang kada araw para mamili sa palengke ang mga tao.

Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na hindi dapat hanapan ng face masks o quarantine pass ang mga mamimili sa anumang pamilihan o establisimyento dahil karapatan ng bawat Pilipino ang malayang bumili ng kanilang mga pangangailangan, lalo na ngayong may health crisis.

Sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo Año na discriminatory ang pagpapatupad ng naturang polisiya. Aniya, dapat ipatupad na lang ang social distancing.

“Sa mga supermarket…hindi nakamaskara, eh hindi mo pabibilhin ng pagkain. I-observe na lang natin ‘yung social distancing. Kailangan ay huwag tayong mag-discriminate.,” anang kalihim.

Isa ang Barangay Kaunlaran ng Quezon City sa mga nagpapatupad ng “no home quarantine pass, no entry” policy sa bisa ng Executive Order Number 2 Series of 2020.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

“Whereas, all establishments falling under the category of “supermarket,” “grocery,” pharmacy,’ or “botika:” to require a home quarantine pass, be it from Barangay Kaunlaran, or from different barangays, as long as it is signed and sealed by its corresponding barangay officials before they make a sale,”  saad ng executive order ng Barangay Kaunlaran.

Layunin ng barangay sa ipinatutupad na order na hindi na kumalat ang virus. Tiniyak naman ng chairman ng Barangay Kaunlaran na susundin nila ang atas ng DILG para sa ikabubuti ng lahat.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

 

Source :

MSN, Philstar, YouTube

Loading…