No sleep 2020: Nico Bolzico, ibinahagi ang struggles nila ng asawa bilang first-time parents

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico
  • Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng mag-asawang Nico Bolzico at Solenn Heussaff ang ikalawang buwan ng kanilang anak na si Thylane Katana
  • Nagbahagi si Nico Bolizico ng video na nagpapakita ng mga pinagdadaanan ng mga magulang na may sanggol
  • Sabi niya, naghahanda na raw sila sa pagpupuyat sa buong taon dahil hindi raw natutulog nang maayos ang anak

Siguradong makaka-relate ang mga bagong magulang sa video na ibinahagi ni Nico Bolzico, ang asawa ng “It girl” na si Solenn Heussaff.

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico

Bilang pagdiriwang ng ikalawang buwan ng kanilang panganay na si Thylane Katana ay nagbahagi si Nico ng video na nagpapakita na the ‘struggle is real’ pagdating sa pagpapatulog sa kanilang baby girl.

Sa simula ng video ay makikita na excited pa si Nico sa bagong yugto sa buhay nilang mag-asawa.  “So Thylane is asleep the whole night. She is so cute. It’s the best feeling in the world,” sabi ni Nico. “Parenting is my passion.”

Sa ikalawang clip ay nagsimula na ang puyatan para sa mag-asawa. “Seven days in a row [and] Thylane is still not sleeping. We are a bit more worried but it is fine,” aniya.

Sinundan niya ito ng isa pa kung saan sinabi niyang umabot na sa 30 araw ngunit hindi pa rin natutulog nang maayos ang anak. Makikita rin dito na nagsimula nang magkaroon ng eye bags si Nico.

“We are getting some help from the doctor but it is okay. It is still part of the process,” sabi niya.

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico

Ngunit umabot din sa punto na tila hindi na raw talaga matutulog ang kanilang anak at tinanggap na nilang hindi sila matutulog buong taon.

“We think Thylane won’t sleep anymore. We are already getting ready for not sleeping the whole year. 2020, we do not expect to sleep,” saad niya.

Samantala, nilinaw naman niya sa caption na exaggerated lahat ng kaniyang sinabi. “During the day Solenn takes care of Thylane but we do have a night nurse (Joana) to support us, so this video is exagge for comedy purposes,” sabi niya.

Dagdag pa niya, ang asawa niya ang kadalasang nag-aalaga sa kanilang anak.

“@solenn is actually the one doing 94% of what is needed, as I mentioned before, men are merely decoration and we just have to do everything our wives say, not questioning it for a second,” pagtatapos niya. LOL

Source :

Instagram

Loading…