No taping, no pay: Trabaho ng mga stuntman, ekstra sa mga teleserye apektado ng COVID-19

  • Maliliit na trabahador sa Philippine showbiz industry, apektado ng COVID-19 outbreak
  • Malalaking TV network nagsuspinde ng teleserye at movie production
  • Ang mga bit player at stuntman na “no taping, no pay” basis ang suweldo ay lubos na naapektuhan

Apektado ng COVID-19 outbreak ang ikinabubuhay ng mga maliliit na manggagawa sa showbiz industry ng bansa, partikular na ang mga ekstra at stuntman.

Imahe mula sa The Happy and Gay Experience

Pansamantala kasing itinigil ng malalaking TV networks ang teleserye production at paggawa ng pelikula kaugnay ng ipinatutupad na 30-day community quarantine sa buong Luzon na tatagal hanggang ika-14 ng Abril 2020.

Ayon sa isang bit player o ekstra sa mga pelikula at teleserye, malaking dagok sa kanya ang suspensyon ng produksyon ng mga teleserye sa mga TV networks dahil nawalan siya ng trabaho. “No taping, no pay” basis daw ang pasuweldo sa kanila

“Wala kaming income… kami, no taping, no pay,” aniya.

At dahil walang income, problemado sila kung saan kukuha ng pambayad sa mga sari-saring bayarin.

“Problema din po ‘yong sa mga bayarin. Mahirap po para sa amin, lalo na walang ma-extrahan,” sabad naman ng isa pang bit player.

Imahe mula sa ANC

Sinabi naman ng isang stuntman na nangangamba ang pamilya niya sa maaaring mangyari lalo na kung saan sila kukuha ng pang-araw-araw na pangkain ngayong wala na siyang trabaho.

“Sobrang apektado ako lalong-lalo na ‘yong pamilya ko. Nangangamba kami sa mga puwedeng mangyari, natatakot sila kasi hindi nila alam saan kukuha ng pangkain sa araw-araw,” sabi ng stuntman na apat na taon na sa ganoong trabaho.

Sa ngayon ay wala raw silang ibang magagawa kundi humanap ng ibang pagkakakitaan habang umiiiral ang community quarantine at nananatiling suspendido ang produksyon ng mga teleserye at pelikula.

Imahe mula sa Starmometer
Source :

ABS-CBN, Inquirer, PEP

Loading…