Nora Aunor, ipinapanalangin ang paggaling ng ex-husband na si Christopher De Leon

Imahe mula sa Instagram | Sandy Andolong at Wikimedia Commons
  • Dalangin ni Nora Aunor ang agarang paggaling ni Christopher De Leon, ang dati niyang asawa, mula sa COVID-19
  • Nawa raw ay humugot ng inspirasyon si Christopher mula sa kaniyang pamilya na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya
  • Paalala naman ni Christopher sa kaniyang mga nakasalamuha, mag-self quarantine muna bilang pagsunod sa guideline ng DOH

Ipinanalangin ni Nora Aunor ang paggaling ng dating asawang si Christopher De Leon na nagpositibo sa COVID-19.

Imahe mula sa Instagram | GMA News

Sa pamamagitan ng isang text message ay tinanong ng entertainment website na PEP PH ang reaksyon ni Nora sa kinahaharap na pagsubok ng aktor.

Ani Nora, dalangin niya ang agarang paggaling ng Love Thy Woman star.

“Dasal ko sa Diyos na gumaling siya agad. Nawa’y malusutan niya ang pagsubok na ito na nangyayari sa kaniya ngayon. Samahan ninyo ako na ipanalangin si Papa Boyet na malampasan ang pagsubok na ito sa kaniya,” ani Nora.

Hiling din niyang sana ay humugot ng inspirasyon si Christopher mula sa kaniyang pamilya na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya sa panahong ito.

Imahe mula sa Instagram | Christopher De Leon

“Huwag din sana niya kalilimutan na nariyan pa rin ang anak niyang si Kristoffer Ian na inidolo siya simula noong bata magpahanggang ngayon, kahit may sarili na ring pamilya,” dagdag pa niya.

“Lagi niyang iisipin na nariyan ang pamilya niya na kailangan siya, laging nasa tabi niya, at nagmamahal sa kaniya.”

Matatandaang inamin ni Christopher na nagpositibo siya sa COVID-19 sa pamamagitan ng isang Instagram post. Wala raw siyang travel history sa labas ng bansa at wala ring contact sa mga nag-positibo rito, ngunit dahil sa trabaho ay marami siyang nakakasalamuha.

Gayunpaman, pinayuhan niya ang mga nakasalamuha niya sa mga nakalipas na linggo na sumailalim sa self quarantine. Ang kaniyang asawang si Sandy Andolong, anak na si Mica, at kasambay, ay naka quarantine na.

“Please cooperate with the authorities in their contact tracing efforts.” aniya.

Source :

PEP PH

Loading…