Noveleta mayor, itinangging siya ang may-ari ng Facebook account na nagpapakalat ng fake news

Imahe mula sa Pixabay
  • Itinanggi ni Noveleta Mayor Dino Reyes Chua na siya ang may-ari ng Facebook account na nagpapakalat ng fake news
  • Kabilang kasi siya sa mga pinangalanan ng Philippine National P0lice na mahaharap sa kas0
  • Maaalalang bumuo ang kapulisan ng task force na tutugis sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon

Itinanggi ni Noveleta Mayor Dino Reyes Chua na nagpapakalat siya ng fake news.

Ito ay matapos sabihin ng Philippine National P0lice (PNP) na isa siya sa mga sasampahan ng kas0 alinsunod sa binuo nilang task force na tutugis sa mga nagpapakalat ng pekeng balita.

Imahe mula sa Facebook | Mayor Dino Reyes Chua

Sabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nag-ugat ito sa reklamong isinampa ng city government ng Cavite kay Mayor Chua.

Gamit umano ang Facebook account na nakapangalan sa isang Maggie Bernal ay nagbahagi si Chua ng maling impormasyon tungkol sa COVID-19 positive na pasyente na pumanaw. Nagbahagi rin daw ito ng mga larawan ng patients under investigation sa Cavite City.

“The account also accused the local government of Cavite City of not being transparent to the public in sharing the information. But the local government debunked the claims of the account and proved that the information is false based on the fact-checking of the Rural Health Unit of Cavite City,” ani Banac.

Napag-alaman din nila na taong 2010 nang gawin ni Chua ang account na noon ay may pangalang Angela Mae de Guzman.

Sa isang panayam sa ANC ay itinanggi naman ni Chua na siya ang may-ari ng fake account. Dagdag niya pa, kalaban sa pulitika ang may pakana ng pambibintang sa kaniya.

“This is just purely dirty politics. I am very saddened by this news because the newly signed law provides that puwedeng makasuhan yung mga nagkakalat ng fake news news but this is just dirty politics,” paliwanag niya.

Bukod kay Chua, kakasuhan din si Mario Batuigas, may-ari ng Latigo News TV at Amor Virata, na isa namang blogger.

Imahe mula sa Facebook | Mayor Dino Reyes Chua

Ang Article 154 ng Revised Penal Code ay nagsasabing ang sinumang nagsapubliko ng fake news “which may endanger the public order, or cause damage to the interest or credit of the state may be punished.”

Maaari silang maharap sa isa hanggang limang buwang pagkabilangg0 at pagbayarin ng multa na nagkakahalaga ng P40,000 hanggang P200,000.

Matatandaang bumuo ng Task Force COVID Kontra Peke upang mapigilan ang pagkalat ng fake news dahil nakadadagdag ang mga maling impormasyon sa pag-aalala ng sambayanan sa gitna ng COVID-19

Source :

PNA, Facebook

Loading…