Online teacher na ‘pinaghuhugas ng plato,’ naghatid ng good vibes sa socmed

  • Viral online ang video ng isang teacher na magtuturo sana online ngunit biglang napag-utusan na maghugas ng plato
  • Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw lalo na ang mga naka-relate sa online teaching “struggles”
  • Umani na agad ang video ng halos 500,000 views isang araw matapos itong ma-upload sa social media

Agaw-eksena sa social media ang video ng isang teacher na magtuturo sana online sa kaniyang mga mag-aaral.

Imahe mula kay Ira Abrigo | Facebook

Marami ang naaliw sa video na in-upload ng netizen na kinilalang si Ira Abrigo matapos mapag-utusang maghugas ng plato sa gitna ng kaniyang pagtuturo online.

“Hirap pag online class tapos bigla kang uutusan maghugas ng plato!” pabirong sabi ng gurong si Ira sa kaniyang Facebook post noong March 13.

Sa video, mapapanood ang magiliw na introduction ng teacher sa kaniyang mga mag-aaral at maging sa paksa na kanilang tatalakayin para sa araw na iyon.

Bigla naman ang pagpasok sa kuwarto ng kapatid ni Ira para sabihin na inuutusan itong maghugas ng plato ng kanilang magulang.

“Maghugas ka na raw ng plato sabi ni Mama,” maririnig na sabi ng kapatid niya. Agad namang nag-viral ang video dahil sa good vibes na hatid nito sa netizens.

Sa katunayan, umabot na agad ng higit 496,000 views ang video isang araw matapos itong ma-upload sa social media. Mayroon na rin itong higit 36,000 reactions at lagpas 17,000 shares sa Facebook.

Patuloy naman ang pagpapahayag ng ibang netizens ng kanilang pagkaaliw lalo na ang mga naka-relate sa “struggles” ng pagiging online teacher.

Hirap pag online class tapos bigla kang uutusan maghugas ng plato!??

Posted by Ira Abrigo on Friday, March 13, 2020

“Hahaha! Hugas muna bago magturo,” natatawang pahayag ni RB.

“Si Ma’am inutusan maghugas ng plato,” sabi ni ASP sa comment section.

“Hahaha. Made my day, Ma’am!” ayon naman kay EJM matapos mapanood ang video ng teacher.

Source :

Facebook

Loading…