Operasyon ng mga POGO maaaring suspendihin ng Pangulo – Panelo

  • Posibleng ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pansamantalang suspensyon ng operasyon ng POGO kung magpapatuloy ang mga reklamo hinggil sa mga ilegal na aktibidad na kinasasangkutan nito
  • Katulad ng suspensyon noon ng Lotto games, maaari ring ipasuspinde ang POGO operations
  • Ipinaliwanag ni Panelo na hindi ang POGO system ang masama, kundi ang mga taong nasa likod ng operasyon nito

Maaaring ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pansamantalang suspensyon ng operasyon ng mga POGO sa bansa kung magpapatuloy pa ang mga anomalya at mga reklamo hinggil sa ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga taong nasa likod ng operasyon nito.

Imahe mula sa PCOO

Inihalintulad si Presidential Spokesman Salvador Panelo ang sitwasyon ng POGO sa ginawa noon ng Pangulo na ipinag-utos ang pagsuspinde sa operasyon ng Lotto sa gitna ng mga alegasyon ng malawakang korapsyon sa loob ng Philippine Charity Sweepstakes noong July 2019.

“Eh ‘di ba si Presidente, if you remember, has suspended the operations of lotteries when he received certain complaints of anomalies? Eh ‘di ganun din ‘yun. Kung talagang grabe ba ang complaints eh may gagawin si Presidente dyan,” paliwanag ni Panelo.

Habang dumarami ang mga naiuulat na ilegal na aktibidad na kinasangkutan ng POGO at mga workers nito, ipinaliwanag ni Panelo na hindi ang POGO system ang masama, kundi ang mga taong nasa likod nito.

“The fact that it has been there, I suppose there’s good in it. But of course, there are also, as we have received reports, there have been many instances of using it in illegal practices,” sagot ni Panelo sa tanong ng mga mamamahayag kung nakikinabang ang bansa sa POGO.

Imahe mula sa PCOO

“It’s not naman the POGO itself eh, it’s the people running it. Then you change the people, not the system. You improve the system,” dagdag  pa niya.

Kamakailan, nagkaisa ang ilang senador na gumawa ng panukala upang ideklarang illegal ang POGO operation sa Pilipinas.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Loading…